Ngayong nalalapit na naman ang Semana Santa, marami sa ating mga pinoy ang may iba’t-ibang tradisyon ng pagsalubong nito. Sikat sa ating mga kabataan ang Pasyon, Alay lakad, Mt.Hiking at siyempre ang pag viVisita Iglesia. Pero pano nga ba nagsimula ang tradisyong ito? Ilan nga ba uling simbahan ang dapat puntahan?
“The tradition of visiting seven churches on Holy Thursday is an ancient practice, probably originating in Rome, where early pilgrims visited the seven pilgrim churches as penance. They are Saint John Lateran, Saint Peter, Saint Mary Major, Saint Paul-outside-the-Walls, Saint Lawrence Outside the Walls, Holy Cross-in-Jerusalem, and traditionally Saint Sebastian Outside the Walls. Pope John Paul II replaced St. Sebastian with the Sanctuary of the Madonna of Divine Love for the jubilee year of 2000.”
Sa Pilipinas karamihan sa atin ay hindi ang Blessed Sacrament ang sinusunod na pitong simbahan lamang ang kailangang bisitahin. Mas marami ang bumibista ng higit pa o 14 simbahan na sumisimbolo sa Station of the Cross. Samakatuwid ang isang simbahan ay katumbas ng isang istasyon.
Kung kayo ay mga Batangueño o nasa karatig bayan ng Batangas ilan lamang ang mga simbahan/basilica na maaari ninyong puntahan. Hindi lamang dahil upang mangilin kundi kilalanin at maging bahagi na rin ng kasaysayan ng Batangas.
Ermita Church
Ang Ermita Church na Matatagpuans sa bayan ng Balayan, Batangas ay isa sa mga pamosong attraksiyon ng lugar.
Ang Ermita Chruch ay matatagpuan sa Balayan, Batangas. Ito ang naitalang pinakaunang simbahang naitayo sa buong probinsiya ng Batangas maging sa buong rehiyon ng Katagalugan.
Ang mga paring Pransiskano ay tumirasa Baryo Ibabaw at nagtayo ng maliit na simbahang-bato o Ermita. Ito ay sa pamumuno ni Fr. Francisco de Santa Maria noong 1579.
Mula sa Baryo Ibabaw na dating kilala sa tawag na Ermita at ngayon ay Barangay Calzada, ang mga paring Pransiskano ay lumipat patungong rehiyon ng Bikol. Noong 1590,ang bago at maliit na simbahan na yari sa bato ay nailipat sa pamumuno ni Fr. Pedro Chirino na naging spiritual administrator ng ilipat ang pamumuno ni Fr. Juan de Oliver sa kanya ng sumunod na taon, 1951.
Basilica Minore of the Infant Jesus and Immaculate Concepcion
Ang simbahang ito ay itinuturing na isa sa pinakalumang simbahang Katoliko sa Batangas. Ito ay matatagpuan sa Batangas City.
Pinakalumang simbahan na matatagpuan sa Batangas City. Ang bayang ito rin ang pangunahing seaport area sa buong CALABARZON.
Makikita sa dulo ng pangunahing kalsada ng lungsod kung saan maraming paaralan, opisina at negosyo ang matatagpuan. Dito makikita ang imahe ng Santo Niño ng Batangas. Ngayon ang kumbento ay nagsisilbi ng isang paaralan.
Ang unang simbahan ay tinayo noong 1581 sa pamumuno ng paring Agustinian na si Fr. Diego Mojica. Siya ay isang pastor sa Calapan, Mindoro. At noong 1601, ang batong pundasyon ay pinalitan ng pangalawang simbahan na itinayo ng mga pari mula 1682-1721. Itinayo ang kumbento pagkatapos ng ilang taon para maging proteksyon sa mga pirata ng dagat.
Pagkaraan ng 179 na taon, ang simbahan ay nasira. Sa taon ding iyon, ang simbhan ay muling pinagawa sa pamumuno ni Fr. Perdro Cuesta. Ang simbahan ay ginawaran bilang basilica ni Papa Pius XII. (“Given in Rome, at St. Peters, with the seal of the Fisherman, on the 13th day of February in the year 1948, the tenth of our Pontificate -1948.”) Ang pagtatayo ng simbahang ito ay inialay sa Birhen ng Immaculada Concepcion, kaya ito ay tinawag na Basilica de Immaculada Concepcion.
Basilica of St. Martin de Tours
Reconstructed in 1856 dahil sa isang lindol. Basilica of St. Martin de Tours na kilala rin sa tawag na Taal Basilica, ay kabighabighaning tanawin habang papalubog ang araw.
Ang Basilica of St. Martin de Tours ang pinakamalaking simbahan sa Asia. Ito ay may 96 meters na taas at 45 meters na luwag. Ito rin ay kilala bilang Taal Basilica. Ito ay makikita sa Taal, Batangas.
Ito ay itinayo sa pagkilala kay San Martin de Tours na siyang patron ng Taal. Ang basilikang ito ay itinayo noong 1575 sa pamumuno ni Fr. Diego Espina. Noong 1754, ang simbahan ay nasira dahil sa pagputok ng Bulkang Taal. Ito ay muling itinayo noong 1755 at muling nasira noong 1849 dahil sa malakas na lindol. Ang simbahan ay muling ipinatayo noong 1856 at naitala bilang pinakamalaking simbahan sa buong Silangang Asya. Ang basilikang ito ay nakakabighani dahil sa napakagandang arkitektura nito.
Ang simbahang ito ay naging Basilica noong Disyembre 8,1954. Ito ay idineklarang National Shrine noong Enero 16, 1974 sa Presidential Decree No. 375.
Our Lady of Caysasay Church
Ayon sa kasysayan, ang imahe ng Our Lady of Caysasay (Nuestra Señora de Caysasay) ay nakuha ng mangingisda malapi sa Pansipit River. Ang piyesta ng Our Lady of Caysasay ay ipinagdiriwang tuwing ika-8 ng Disyembre
Maliban sa Basilica of St. Martin de Tours may isa pang simbahan sa Taal na dapat ninyong puntahan, ito ay ang Simbahan ng Birhen ng Caysasay sa Labac, Taal. Dito makikita ang maraming antigong santo na nagmula pa sa Spanish era. Ito ay tinayo sa para sa pagbibigay-parangal sa Nuestra Señora de la Misericordia.
Ang ilan sa antigong santo na makikita dito ay ang imahe ng Birhen na nakuha sa Ilog ng Pansipit. Ito ay nakita ni Juan Maningcad habang nanghuhuli ng isda noong 1603. Ito ay may taas na 27cm. Ito ay may ilang ulit ng inayos ngunit marami pa rin sa bahagi nito ang naiwan na nagsisilbing atraksyon sa simbahan. Ito ay may sukat na 50m na haba at 10m na laki. Ginugunita ang pista ng Birhen ng caysasay tuwing Disyembre 8.
Bauan Cathedral
Ang Bauan Cathedral ay matatagpuan sa Bauan, Batangas. Ito ay unang itinayo noong 1667 ni Fr. Jose Rodriguez. Itinayo
Ang sikat na Bauan's Subli-an Festival bilang pagbibgay pugay sa "Banal na Krus ng Bauan"
ito sa ikalawang pagkakataon ni Fr. Nicolas de Rivera noong 1689 at noong 1692, itinayo itong muli ni Fr. Simon Martinez. Itinayo ulit ito gawa sa bato at kahoy sa pmumuno ni Fr. Ignacio Mercado mula 1695-1697. At ang ikalima ay ni Fr. Blas Vidal noong 1700-1710.
Ang bagong simbahan ay pinagawa noong 1762 ni Fr. Jose Victioria sa pamumuno ni Don Juan Bandino. Ang harapang parte ay tinapos ni Fr. Hipolito Huerta. At ang iba pang dekorasyon ay inayos noong 1881 ni Fr. Moises Santos at noong 1894 ni Fr. Felipe Garcia.
Ang simbahan ang nangangalaga sa Banal na Krus ng Alitagtag, ang kanilng patron. Ito ay nakita ng mga mamamayan sa lugar na tinatawag na “dingin” na malapit sa Alitagtag. Ang Banal na Krus ay gawa sa kahoy na anubing na may taas na 2.5m at 1m krus. Isang gintong araw na may mga sinag at may nakaukit na mukha ng tao ang makikita sa gitna ng krus.
Isang malaking kampana ang inilagay ni Fr. Alberto Tabores noong 1788. Ang tuktok kung saan umaawit ang mga mang-aawit sa nasira noong 1870 at inayos noong 1874. At nilagyan din ng orasan, pandagdag dekorasyon.
Ang kumbento na unang ginawa ni Fr. Jose Trevino noong 1762. Ang buong simbahan ay napapalibutan ng capis na bintana.
St. Joseph Church
Itinayo nuong taong 1765, ang St. Joseph Church na matatagpuan sa bayan ng San Jose, Batangas
Ang simbahang ito ay makikita sa San Jose, Batangas. Ito ay may sukat 60m haba at 14m laki. Ito ay unang tinayo gawa sa kogon at kawayan ng mga paring Agustinian noong 1788. Ang pangkasalukuyang ayos ng simbahan ay ginawa noong 1812 sa pamamahala ni Fr. Manuel Blanco, OSA.
May malaking altar na pumapaikot sa imahe ni San Jose. Noong ika-19 na siglo, sa labas ng simbahan ay may pinagawang tulay na nag-uugnay sa simbahan patungong Ilog na Malaking tubig.
Ang San Jose ay siyang tirahan ng mga Oblates of St. Joseph Mission and it’s Minor Seminary. Ito ay itinatagtag ni St. Joseph Marello. Ang mga ito ay unang kongregasyon mula sa Italya na nagpapadala ng mga misyonaryo sa Pilipinas. Ang San Jose ang sentro ng Vacariate IV ng Archdiocese ng Lipa.
Ang San Jose ay nagdiriwang ng Sinuam Festival tuwing Abril 25 para sa pagkilala ng kanilang bayan. Ipinagdiriwang din ito para pasalamatan ang kanilang patron para sa magandang takbo ng mga negosyo sa kanilang lugar, ang manukan.
–fin–
Ilan lamang ito sa mgaa simbahang maari ninyong bisitahin, bilang pamamanata, Visita Iglesia o sadyang trip lang. Iba’t iba man ang ating mga paniniwala. Basta ang mahalaga, ang isabuhay natin ang ating mga pinaniniwalaan ng naaayon sa Urbanidad, ethics o pagka makatao.