summer

Naumpisahan ko na rin lang ang pagsusulat tungkol sa mga sikat na beach resort sa Batangas, heto at dagdagan pa natin. Tamang tama kasi ang topic na to bukod sa summer na ngayon, nalalapit na rin kasi ang Mahal na Araw diba? Ibig sabihin mahaba habang bakasyon para sa ating lahat. Malamang nga sa mga panahong ito mahirap ng maghanap ng available resorts. Malamang punuan na lalo na yung mga sikat na resorts ditto sa Batangas. Almost fullybook na lahat ng mga schedules especially yung overnight yun kasi yung time na marami ang nagpapareserve, mas masarap kasi magswimming sa gabi diba? Iwas init ng araw. Kung kaya malamang.. swertihan nalang ang pagpapareserve sa mga beach resorts ngayon.

Kung swertihan din lang naman ang labanan, siguradong seswertihin kayo sa KABAYAN BEACH RESORT, located in Laiya, San Juan Batangas. Swerte dahil bukod sa maganda ang resort na ito, sulit pa dahil sa mga recreations at iba pang mga maaaring gawin habang nagbabakasyon dito.

Kabayan CoastAng KABAYAN BEACH RESORT ay nagumpisa lamang sa 2 fan cottages at isang tent. Pero dahil sa dami ng kanilang mga tagatangkilik lalo na pag sumasapit ang peak season, nadagdagan ng nadagdagan ang mga ito at umaabot na sa 19 fully airconditioned cottages at nakapagtayo na rin ng isang multi-purpose hall na maaring gamitin sa mga pribado at corporate events tulad ng Parties, kasal, seminars, team buildings atbp.

Ang KABAYAN BEACH RESORT din ang kaunaunahang beach resort na naitayo sa kahabaan ng Laiya, San Juan Batangas Coast. At kung inaakala niyong tanging sa Boracay lamang kayo makakaranas ng white sand nagkakamali kayo. Dahil ang buong kahabaan ng Kabayan Beach Resort Coast ay napapaligiran ng puting buhangin. Hindi na ito nalalayo sa buhangin ng Bora, kaya maari na itong maging alternatibo gimikan ng mga taga maynila na nagnanais makaranas ng white beaches.

Kabayan NipaKung sa ibang resort bawal ang magdala ng sariling pagkain, sa Kabayan Beach Resort maari kayong magdala ng alinman sa nanaisin ninyong lutuin o pagkain, wag lang siguro kayong magihaw ng isang buong kalabaw… Sa ibang beach resort kasi kailangan pa ninyong magbayad para sa mga Buffet Foods na medyo may kamahalan hindi ba o kung hindi naman kailangang sa kanila ka mismo bumili ng mga pagkain na kakainin mo, which is mas magastos kesa sa ikaw mismo ang magluluto para sa pamilya mo.

Kung sawa na kayo sa kakaligo sa beach, maari rin kayong gumamit ng swimming pool, yun nga lang may extra charge ito pero very affordable naman ang price. At kung sawa na talaga kayo sa kakaswimming, yung tipong ayaw na ninyong madampian ng kahit katiting na tubig sa katawan, maari kayong mag beach volleyball, massage, kayak, Cove Hopping, Hiking/Trekking, Billiards at meron din silang playgrounds na para naman sa mga bata.

Ang Kabayan Beach Resort ay mayroon ding pasilidad tulad ng;

  • Chapelkabayan Ameneties
  • Multi-Purpose Hall
  • Gardens
  • Souvenir Shop
  • Fastfood
  • El Kapitan Bar
  • Aviary Pawikans
  • Parking

Siyempre pinapanatiling malinis ng Kabayan Beach Resort ang kanilang mga pasilidad at mga cottages upang makapagbigay ng 100% customer service satisfaction. Bukod dito, ang staff and crew ng Kabayan resort are very accommodating na tutugon sa inyong mga pangangailangan round the clock with smiling face. I’m sure once mapuntahan ninyo ang resort na ito, babalik balikan nyo ito. Tahimik, maliwalas, malinis… Malayo sa gulo at alinsangang hatid ng nagtataasang gusali ng Metro…

For inquiries and bookings, see below:

KABAYAN BEACH RESORT
Bgy. Laiya Aplaya, San Juan, Batangas
www.kabayanresort.com.ph

Office Hours:
Weekdays: 8:00AM – 5:00PM
Weekends: 8:00AM – 5:00PM (Cell phone only)

Manila: +63 (2) 709-1470
+63 (2) 709-0115
Mobile: +63 (917) 6279357 Amy
: +63 (917) 8963312 Marlon
Email : kabayanbeachresort@yahoo.com

Advertisements