Tag Archive: sikat ang batangas


AmpalayaNoong maliliit pa kaming magkakapatid, hate na hate namin ang ampalaya o bitter gourd. Kahit na anong klaseng luto ay hindi talaga ma-take ng aming sikmura ang mapait na lasa nito. Tuwing magluluto si tatay ng ampalaya ay bantay-sarado ang aming ina sa hapag habang kami ay kumakain.

Nang minsan akong umuwi kasama ng pamilya ng aking asawa sa bayan na kinalakihan ng aking father-in-law ay nakilala at natikman ko ang atcharang ampalaya. Ang Calaca, Batangas ang aking tinutukoy. Atchara ang kanilang pangunahing produkto. Iba’t ibang atchara ang matitikman dito tulad ng papaya, labong at syempre ang paborito kong ampalaya. Dahil sa mataas na demand ng atchara sa bayang ito kaya isinilang ang CALACATCHARA FESTIVAL. Ang festival na ito ay hindi lamang pagpapasalamat sa kanilang produktong atchara kundi na rin sa pagbibigay-puri sa kanilang patrong si San Raphael.

bottled amplayaBalik tayo sa atchara, ang mga tindang atchara sa tindahan nina Aling Conching (may-ari ng tindahan) kami laging bumibili tuwing kami ay bumibisita sa Calaca.(Sana ay hindi siya magalit kapag nabasa nya ito). Ang kanilang mga atchara ay talaga namang ubod ng sarap. Pwede itong isabay sa kanin partner ang pritong isda o kaya nama’y karne. Kung minsan naman ginagawa ko itong ulam. Hehehe.. Sarap talaga. Ang isang pangkaraniwang bote na aming binibili ay nauubos ko lamang sa isang kainan. Hahaha. Ang kanilang tindahan ay naglagay na rin ng atchara sa pouch dahil sa hiling ng marami nilang buyers. Karamihan kasi sa kanilang customers ay dinadala ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang lugar. At sa tuwing may bakasyonistang galing sa ibang bansa ang bumibisita sa amin, ang atchara nila ang lagi ibinibigay ng aking mother-in-law.

Hindi ko alam kung paano nila ginagawa ang kanilang mga atchara. Alam ko ring may secret recipe sila dito. Ang malutong na ampalaya at ang timpla nito, masasabi kong ito ang pinaka the best na atcharang natikman ko. Daig pa nito ang ilan sa mga atcharang natikman ko na sa ibang restaurant.

Another special product PROUDLY ALAH-EH MADE!

matabungkai-beach-floating-cottage

Matabungkay Beach is known for it's floating cottages

Sapul nang ako ay magkaisip nakagisnan ko na ang pagpunta tuwing Mahal na Araw sa Matabungkay Beach.  Syempre kasama ang buong pamilya pati na ang ilan sa mga kamag-anak ng aking ina. Sa mura kong pag-iisip lagi kong tanong sa aking nanay, “Bakit sa Matabungkay Beach eh ala namang bago.” O kaya, “Ma, ala na bang iba tayong pwedeng puntahan? Sawa na kami dun eh!” Na bubuntutan namin ng malakas na tawanan.. Lagi namang sagot ng aking tatay, “Dun na lang para malapit tsaka maganda naman ah..” Ngayon ko lang napagtantong kaya pala dun lagi nagpaplano ng outing ang aking mga magulang ay dahil sa mura nitong entrance fee. Sa laki ng aming pamilya, abot na abot ng budget ng aking mga magulang ang lahat ng aming magagastos  sa naturang beach. Ngayon ko lang din naisip  na hindi lamang murang entrance fee ang habol ng aking mga magulang, gusto din nilang makita namin ang ganda ng Matabungkay. Alam nyo bang maraming mga local at foreign tourists ang nagpupunta dito taun-taon. At marami na ring mga pelikula ang kinunan dito.

matabungkai-beach-coast

Matabungkay has the finest whitesand on it's coast

Ang Matabungkay Beach ay may angking 2 kilometrong pino at puting buhangin. Maganda ding pagmasdan ang paglubog ng araw dito. Ang mga turistang dumarayo dito ay natutuwa dahil sa mga murang accommodations ng resort. Ang Matabungkay Beach ay matatagpuan sa bayan ng Lian, at sinasabing kaharap ng China Sea. Alam nyo bang kaya din kami lagi nagpupunta dito ay dahil pwedeng magdala ng sariling pagkain dito. Ang mga pamilyang may small budget ay pwedeng magdala ng iihawing barbeque o kaya nama’y isda at dalhin sa kanilang mga rented open cottages. Pwede din silang magdala ng iba’t ibang pagkain na magustuhan nila.

matabungkay_beach

With this eye popping scenery, what more could you ask for?

Ang iba ay maaari namang kumain  sa shaded raft na nakalutang sa di kalayuan sa may dagat. Tulad ng makikita ninyo sa mga pelikula at teleserye na inyong napapanood. Sa mga taong may nakalaang mataas na budget, maaari silang pumili sa mamahaling resort na nakahilera sa kahabaan ng beach. Ilan lamang ang Al Fresco beach Resort at Matabungkay Beach Resort and Hotel sa mga ito. Sulit din naman ang inyong budget dahil ang mga ito ay may nagagandahang cottages at rooms para sa ilang araw na accommodations. At syempre may good service silang i-oofer. Maaari din naman kayong mag island hopping. Marami ring mga for hire na bancas na nakatigil sa baybayin na maglilibot sa inyo sa mga karatig lugar na makikita di kalayuan sa resort. Ang lugar na ito ay malimit pagdausan ng iba’t ibang water sports. Kabilang na dito ang fishing, swimming at kayaking.

How to Get There?

If you are from Manila, take south superhighway and exit at Santa Rosa or Silang. Turn right and follow the sign to Tagaytay. From Tagaytay, head to the direction of Nasugbu. After km 92, turn right to Nasugbu and Lian. At the shell station turn left to Lian and Calatagan. Follow the road to Calatagan until you see a big signboard at the right side that indicates Matabungkay beach resorts. Turn right and drive up to the end of the cement road pointing the beach. There you will easily find your way to the Matabungkay Beach Resort.

I’ve got a friend who is expected to be here in Manila this April. He’s working in Dubai for 2 years and now lang siya nagkaroon ng chance na makauwi at makapagbakasyon dito sa Pinas. He was asking kung saan pa ba ang magagandang resort in Batangas since it was summer here sa atin. Siyempre alam naman nating pagkarami raming nagagagandahang beaches ang matatagpuan sa bayan ng Ala-eh. But ang gusto niya ay sa may part ng LaiyGoogle Zeitgeista daw dahil marami ang nagsabi sa kanyang mas magaganda ang mga beach/resorts dun, kaya naghanap ako resort located in Laiya na siguradong mageenjoy siya at ang kanyang buong pamilya.

Sa kakahanap ko ng magandang beach resort sa bandang Laiya Batangas nakita ko ang Acuatico Beach Resort sa 2009 year-end Google Zeitgeist:  Philippines.  Ang Acuatico Beach resort ay kasalukuyang nasa ikatlo kasunod ng Baler at Amana resort na matatagpuan naman sa Aurora at Bulacan ayon sa pagkakasunod bilang top local travel destinations dito sa Pinas.

Acuatico Resort1Ang beach resort nagmula ang pangalan nitong ACUATICO ay katumbas ng “tubig” sa wikang Espanyol. Ang Acuatico Resort ay may ipinagmamalaking infinity-edge pool na may sukat na 700sqm. na kung titingnan mo ang pool na ito mula sa malayo, para na rin itong bahagi sa asul na tubig ng katabi nitong dagat. Ang Infinity Pool ay mayroong isang Jacuzzi, isang kiddie pool at isang bar na nakalutang sa gitna ng pool.

Acuatico Beach Resort offers Balinese-inspired villas na may world class na mga kasangkapan at mga pasilidad na angkop para sa mga tourista at mga bisita na gustong mag-relaks, gayundin ang pinakamasasarap na pagkain at mga cuisine upang maging angkop sa kanilang panlasa.

Acuatico offers state-of-the-art facilities and amenities such as:

  • Modern Balinese-design villas with rooms carefully angled to give guests a spectacular view of their choice: the mountain or the sea.  Each room is fully furnished.o Deluxe guestroom amenities & toiletries
    o Wall-mounted 32” LCD television with satellite system
    o IPOD docks with Alarm Clocks in selected rooms
    o Air Conditioning System
    o Multi-point water-heating system
    o Telephone system
    o Resort-wide wi-fi internet access
  • An infinity-edge pool, the only facility of its kind in Laiya. With Jacuzzi and a kiddie pool.
  • A floating bar at the center of the pool
  • Day Tour areas with special attractive features
  • A restaurant and dining area affording a panoramic view of the infinity pool.
  • Well-manicured tropical garden

Acuatico Resort2Mayroon din silang serbisyo tulad ng Local spa therapists at Laundry.  Guests could also enjoy sunbathing or avail the free kayaks and other water activities during daytime.

Kung itatanong nyo naman kung gano ba ka secure ang lugar. Sinisiguro ng Acuatico Resort Management ang kanilang 24 hour security program kaya naman siguradong nasa mabuting kamay kayo at ang pamilya mo habang kayo ay nagbabakasyon sa  resort na ito. Wala kayo ibang iisipin kundi ang maglaro, maglibang at ienjoy ang pag stay nyo dito  dahil safe na safe kayo. Bukod dito mayroon din silang stand-by power generator na kahit magkaroon ng power failure, siguradong hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon.

Acuatico Beach Resort and Accommodation Packages:

VILLA/ROOM TYPE RATE
Infinity Room (Single/Twin)
Twin rooms located beside the infinity pool.
PhP 5,250
Casa de Playa (Single/Twin)
Ideal for honeymooners/couples, this Room by the Beach has a small private garden with a view of the beach.
PhP 7,350
Family Suite (max 4 persons)
Has queen-sized bed; connects to a room with twin bed.
PhP 10,500
Terraza (max 4 persons)
This “room with a view deck” has a queen-sized bed and a day bed.
PhP 12,600
Estancia (max 6 persons)
This spacious villa is ideal for families and small groups. It has three rooms, two of which have queen-sized beds while another with twin beds. Estancia features a loft and access to its own view deck.
PhP 21,000

Rates inclusive of:

  • Overnight accommodation
  • Breakfast
  • Use of resort and water sport facilities (e.g. kayak)
  • Complimentary bottled water and other deluxe room amenities

“ACUATICO’s corporate philosophy is to provide a high-class deluxe resort under a friendly atmosphere south of Manila and ensure premium leisure experience and complete satisfaction to all its guests.

It anchors its activities on exerting its best in meeting the various needs of its clients, rigidly implementing a set of values predicated on excellent service, optimum quality, adaptable flexibility, cohesive teamwork and solid commitment, ever conscious of its highly-motivating slogan – “Happy Guests, Happy Employees and Happy Stockholders.”

Ang Acuatico Beach Resort ay lehitimong  miyembro ng Association of Laiya Resorts and Owners (ALRO) at sa kasalukuyan ay ang pagkumpleto ng mga kinakailangang dokumento para sa Accreditation sa Department of Tourism (DOT).

Para sa iba pang detalye bisitahin ito: http://www.acuaticoresort.com.ph

Marian Orchard EntranceNgayong nalalapit na ang Mahal na Araw, marami sa ating mga pinoy ang excited. Hindi lamang sapagkat may kanya kanya tayong mga panata, dahil sa wakas isa na namang mahabang bakasyon. At  sino ba naman ang hindi maeexcite? Sa buong taon minsan lamang magkaroon ng ganito kahabang legal holiday. Malamang marami sa ating mga pinoy ang nakapaglatag na ng mga gagawin at itinerary para sa darating na pista opisyal.

Mahigit 73 Million ang katoliko sa ating bansa. Sa katunayan ang Pilipinas ang bansang may pinakamalaking populasyon ng katoliko sa buong Asya. Likas na sa ating mga Pilipino ang may takot sa Diyos, o yung sinasabing mga relihiyoso’t relihiyosa. Blessed Virgin MaryNaka-ilang bahay naba ang aking napuntahan at napasok na pagkakita mo sa gate palang masasabi mo nang “Ah kristiyano ang mayari ng bahay na to..” kasi ba naman gate palang may krus na, o di kaya’y larawan ni Virgin Mary di ba? At sa pagpasok mo naman sa loob ng bahay, samut-saring santo ang iyong makikita. Mula sa sala hangang sa mga kuwarto. At isa pang palatandaan na ang mayari ng bahay ay isang Kristiyano siyempre kapag may “The Last Supper” frames sa may hapag kainan. Kahit sa jeep ilan ba ang nakakasakay ko na kapag dumadaan ng simbahan ay napapaantanda, kung ilang simbahan ang aming madaanan gayun din kadami ang kanyang pagantanda, siyempre ito ay isang paraan na pagsasabing ako ay isang tunay na kristiyano-Pilipino.

Christ the Redeemer

Christ the Redeemer

Isang lugar dito sa Batangas ang dinarayo bilang pagsalubong sa “Pista ng Pagkabuhay o Easter Sunday”. Ito ang Marian Orchard located in Malabanan, Balete, Batangas. Kung isa kang Manilenyo hindi pamilyar sa iyo ang lugar na ito. Kung isa ka dun sa mga taong emo na madalas gusto mong mapagisa at makapagmuni-muni kapiling ang mga puno’t halaman, at ayaw mong makakita ng kahit na sinong kakilala. Aba, eh tamang tama para si iyo ang lugar na ito.

Ang Marian Orchard ay isang lugar kung saan makikita ang groto ng Mahal na Birhen. pati na rin ang malaking rebulto ni Hesus na kung tawagin ay “Christ the Redemeer”. Matatagpuan din ang rebultong ito sa ibang bansa tulad Brazil at Mexico. Mayroon din dito Via Crusis at kapilya. Sa taas ng Christ the Redeemer ay matatanaw mo ang Bulkang Taal sa gitna ng lawa. Marian-Orchard-GardenMayroon ding hardin ng mga rosas at iba pang bulaklak dito na lalong nabigay kulay at kariktan sa lugar. Masasabing ang Marian Orchard ay isa sa mga katangi-tanging lugar na sa Batangas lamang matatagpuan.

Iba’t-iba man ang ating mga pamamaraan ng pagdiriwang. Sa paraang pagninilay-nilay man o Pagsasaya. Sana wag nating kalimutan kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng Mahal na Araw. At kung bakit natin ito ipinagdiriwang.