Tag Archive: arman sanchez


matabungkai-beach-floating-cottage

Matabungkay Beach is known for it's floating cottages

Sapul nang ako ay magkaisip nakagisnan ko na ang pagpunta tuwing Mahal na Araw sa Matabungkay Beach.  Syempre kasama ang buong pamilya pati na ang ilan sa mga kamag-anak ng aking ina. Sa mura kong pag-iisip lagi kong tanong sa aking nanay, “Bakit sa Matabungkay Beach eh ala namang bago.” O kaya, “Ma, ala na bang iba tayong pwedeng puntahan? Sawa na kami dun eh!” Na bubuntutan namin ng malakas na tawanan.. Lagi namang sagot ng aking tatay, “Dun na lang para malapit tsaka maganda naman ah..” Ngayon ko lang napagtantong kaya pala dun lagi nagpaplano ng outing ang aking mga magulang ay dahil sa mura nitong entrance fee. Sa laki ng aming pamilya, abot na abot ng budget ng aking mga magulang ang lahat ng aming magagastos  sa naturang beach. Ngayon ko lang din naisip  na hindi lamang murang entrance fee ang habol ng aking mga magulang, gusto din nilang makita namin ang ganda ng Matabungkay. Alam nyo bang maraming mga local at foreign tourists ang nagpupunta dito taun-taon. At marami na ring mga pelikula ang kinunan dito.

matabungkai-beach-coast

Matabungkay has the finest whitesand on it's coast

Ang Matabungkay Beach ay may angking 2 kilometrong pino at puting buhangin. Maganda ding pagmasdan ang paglubog ng araw dito. Ang mga turistang dumarayo dito ay natutuwa dahil sa mga murang accommodations ng resort. Ang Matabungkay Beach ay matatagpuan sa bayan ng Lian, at sinasabing kaharap ng China Sea. Alam nyo bang kaya din kami lagi nagpupunta dito ay dahil pwedeng magdala ng sariling pagkain dito. Ang mga pamilyang may small budget ay pwedeng magdala ng iihawing barbeque o kaya nama’y isda at dalhin sa kanilang mga rented open cottages. Pwede din silang magdala ng iba’t ibang pagkain na magustuhan nila.

matabungkay_beach

With this eye popping scenery, what more could you ask for?

Ang iba ay maaari namang kumain  sa shaded raft na nakalutang sa di kalayuan sa may dagat. Tulad ng makikita ninyo sa mga pelikula at teleserye na inyong napapanood. Sa mga taong may nakalaang mataas na budget, maaari silang pumili sa mamahaling resort na nakahilera sa kahabaan ng beach. Ilan lamang ang Al Fresco beach Resort at Matabungkay Beach Resort and Hotel sa mga ito. Sulit din naman ang inyong budget dahil ang mga ito ay may nagagandahang cottages at rooms para sa ilang araw na accommodations. At syempre may good service silang i-oofer. Maaari din naman kayong mag island hopping. Marami ring mga for hire na bancas na nakatigil sa baybayin na maglilibot sa inyo sa mga karatig lugar na makikita di kalayuan sa resort. Ang lugar na ito ay malimit pagdausan ng iba’t ibang water sports. Kabilang na dito ang fishing, swimming at kayaking.

How to Get There?

If you are from Manila, take south superhighway and exit at Santa Rosa or Silang. Turn right and follow the sign to Tagaytay. From Tagaytay, head to the direction of Nasugbu. After km 92, turn right to Nasugbu and Lian. At the shell station turn left to Lian and Calatagan. Follow the road to Calatagan until you see a big signboard at the right side that indicates Matabungkay beach resorts. Turn right and drive up to the end of the cement road pointing the beach. There you will easily find your way to the Matabungkay Beach Resort.

summer

Naumpisahan ko na rin lang ang pagsusulat tungkol sa mga sikat na beach resort sa Batangas, heto at dagdagan pa natin. Tamang tama kasi ang topic na to bukod sa summer na ngayon, nalalapit na rin kasi ang Mahal na Araw diba? Ibig sabihin mahaba habang bakasyon para sa ating lahat. Malamang nga sa mga panahong ito mahirap ng maghanap ng available resorts. Malamang punuan na lalo na yung mga sikat na resorts ditto sa Batangas. Almost fullybook na lahat ng mga schedules especially yung overnight yun kasi yung time na marami ang nagpapareserve, mas masarap kasi magswimming sa gabi diba? Iwas init ng araw. Kung kaya malamang.. swertihan nalang ang pagpapareserve sa mga beach resorts ngayon.

Kung swertihan din lang naman ang labanan, siguradong seswertihin kayo sa KABAYAN BEACH RESORT, located in Laiya, San Juan Batangas. Swerte dahil bukod sa maganda ang resort na ito, sulit pa dahil sa mga recreations at iba pang mga maaaring gawin habang nagbabakasyon dito.

Kabayan CoastAng KABAYAN BEACH RESORT ay nagumpisa lamang sa 2 fan cottages at isang tent. Pero dahil sa dami ng kanilang mga tagatangkilik lalo na pag sumasapit ang peak season, nadagdagan ng nadagdagan ang mga ito at umaabot na sa 19 fully airconditioned cottages at nakapagtayo na rin ng isang multi-purpose hall na maaring gamitin sa mga pribado at corporate events tulad ng Parties, kasal, seminars, team buildings atbp.

Ang KABAYAN BEACH RESORT din ang kaunaunahang beach resort na naitayo sa kahabaan ng Laiya, San Juan Batangas Coast. At kung inaakala niyong tanging sa Boracay lamang kayo makakaranas ng white sand nagkakamali kayo. Dahil ang buong kahabaan ng Kabayan Beach Resort Coast ay napapaligiran ng puting buhangin. Hindi na ito nalalayo sa buhangin ng Bora, kaya maari na itong maging alternatibo gimikan ng mga taga maynila na nagnanais makaranas ng white beaches.

Kabayan NipaKung sa ibang resort bawal ang magdala ng sariling pagkain, sa Kabayan Beach Resort maari kayong magdala ng alinman sa nanaisin ninyong lutuin o pagkain, wag lang siguro kayong magihaw ng isang buong kalabaw… Sa ibang beach resort kasi kailangan pa ninyong magbayad para sa mga Buffet Foods na medyo may kamahalan hindi ba o kung hindi naman kailangang sa kanila ka mismo bumili ng mga pagkain na kakainin mo, which is mas magastos kesa sa ikaw mismo ang magluluto para sa pamilya mo.

Kung sawa na kayo sa kakaligo sa beach, maari rin kayong gumamit ng swimming pool, yun nga lang may extra charge ito pero very affordable naman ang price. At kung sawa na talaga kayo sa kakaswimming, yung tipong ayaw na ninyong madampian ng kahit katiting na tubig sa katawan, maari kayong mag beach volleyball, massage, kayak, Cove Hopping, Hiking/Trekking, Billiards at meron din silang playgrounds na para naman sa mga bata.

Ang Kabayan Beach Resort ay mayroon ding pasilidad tulad ng;

  • Chapelkabayan Ameneties
  • Multi-Purpose Hall
  • Gardens
  • Souvenir Shop
  • Fastfood
  • El Kapitan Bar
  • Aviary Pawikans
  • Parking

Siyempre pinapanatiling malinis ng Kabayan Beach Resort ang kanilang mga pasilidad at mga cottages upang makapagbigay ng 100% customer service satisfaction. Bukod dito, ang staff and crew ng Kabayan resort are very accommodating na tutugon sa inyong mga pangangailangan round the clock with smiling face. I’m sure once mapuntahan ninyo ang resort na ito, babalik balikan nyo ito. Tahimik, maliwalas, malinis… Malayo sa gulo at alinsangang hatid ng nagtataasang gusali ng Metro…

For inquiries and bookings, see below:

KABAYAN BEACH RESORT
Bgy. Laiya Aplaya, San Juan, Batangas
www.kabayanresort.com.ph

Office Hours:
Weekdays: 8:00AM – 5:00PM
Weekends: 8:00AM – 5:00PM (Cell phone only)

Manila: +63 (2) 709-1470
+63 (2) 709-0115
Mobile: +63 (917) 6279357 Amy
: +63 (917) 8963312 Marlon
Email : kabayanbeachresort@yahoo.com

Marian Orchard EntranceNgayong nalalapit na ang Mahal na Araw, marami sa ating mga pinoy ang excited. Hindi lamang sapagkat may kanya kanya tayong mga panata, dahil sa wakas isa na namang mahabang bakasyon. At  sino ba naman ang hindi maeexcite? Sa buong taon minsan lamang magkaroon ng ganito kahabang legal holiday. Malamang marami sa ating mga pinoy ang nakapaglatag na ng mga gagawin at itinerary para sa darating na pista opisyal.

Mahigit 73 Million ang katoliko sa ating bansa. Sa katunayan ang Pilipinas ang bansang may pinakamalaking populasyon ng katoliko sa buong Asya. Likas na sa ating mga Pilipino ang may takot sa Diyos, o yung sinasabing mga relihiyoso’t relihiyosa. Blessed Virgin MaryNaka-ilang bahay naba ang aking napuntahan at napasok na pagkakita mo sa gate palang masasabi mo nang “Ah kristiyano ang mayari ng bahay na to..” kasi ba naman gate palang may krus na, o di kaya’y larawan ni Virgin Mary di ba? At sa pagpasok mo naman sa loob ng bahay, samut-saring santo ang iyong makikita. Mula sa sala hangang sa mga kuwarto. At isa pang palatandaan na ang mayari ng bahay ay isang Kristiyano siyempre kapag may “The Last Supper” frames sa may hapag kainan. Kahit sa jeep ilan ba ang nakakasakay ko na kapag dumadaan ng simbahan ay napapaantanda, kung ilang simbahan ang aming madaanan gayun din kadami ang kanyang pagantanda, siyempre ito ay isang paraan na pagsasabing ako ay isang tunay na kristiyano-Pilipino.

Christ the Redeemer

Christ the Redeemer

Isang lugar dito sa Batangas ang dinarayo bilang pagsalubong sa “Pista ng Pagkabuhay o Easter Sunday”. Ito ang Marian Orchard located in Malabanan, Balete, Batangas. Kung isa kang Manilenyo hindi pamilyar sa iyo ang lugar na ito. Kung isa ka dun sa mga taong emo na madalas gusto mong mapagisa at makapagmuni-muni kapiling ang mga puno’t halaman, at ayaw mong makakita ng kahit na sinong kakilala. Aba, eh tamang tama para si iyo ang lugar na ito.

Ang Marian Orchard ay isang lugar kung saan makikita ang groto ng Mahal na Birhen. pati na rin ang malaking rebulto ni Hesus na kung tawagin ay “Christ the Redemeer”. Matatagpuan din ang rebultong ito sa ibang bansa tulad Brazil at Mexico. Mayroon din dito Via Crusis at kapilya. Sa taas ng Christ the Redeemer ay matatanaw mo ang Bulkang Taal sa gitna ng lawa. Marian-Orchard-GardenMayroon ding hardin ng mga rosas at iba pang bulaklak dito na lalong nabigay kulay at kariktan sa lugar. Masasabing ang Marian Orchard ay isa sa mga katangi-tanging lugar na sa Batangas lamang matatagpuan.

Iba’t-iba man ang ating mga pamamaraan ng pagdiriwang. Sa paraang pagninilay-nilay man o Pagsasaya. Sana wag nating kalimutan kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng Mahal na Araw. At kung bakit natin ito ipinagdiriwang.

Mt. Talamitam | Nasugbu Batangas

Mt. Talamitam Jump Off

The jump-off site to Mt. Talamitam

Mt. Talamitam is one of the great mountains here in Batangas. It lies in between Mt. Batulao and Pico de Loro. The summit of Mt. Talamitam offers a great view of Mt. Batulao. When viewed from Talamitam’s south-east side, para itong horse-shoe-shaped mountain range in the middle of a vast plain. On My perspective, I think the summit of Talamitam offers a slightly more spectacular 360-degree view of the Batangas landscape than the one offered by Mt. Batulao.

Mt. Talamitam is not a public park and within its slopes lays plantation areas and farmlands. During the trek, the trail passes by private lands so observe proper courtesy and conduct. The summit is also not that far from the villages within the slope of the mountain so any loud noises should be avoided especially during the night.

Sa taas nitong 630 MASL, ang Mt. Talamitam ay nasa kategoryang Minor climb, na may Difficulty 3/9, Trail class 1-3 with steep

Mt.Talamitam

a view of Mt. Talamitam during our day hike

assault (100m). Ibig sabihin hindi ito mahirap akyatin. Kahit sinong wala pang karanasan sa pagakyat ng mga bundok ay maaring humamon dito. Lalo na ngayong summer vacation siguradong marami sa atin ang mamumundok. At kung kayo ay aakyat ng Mt. Talamitam, nais ko lang ipabatid na magingat kayo sa pagbaba ng Mt. Talamitam dahil recently lang ay napagtanto ng grupo na nakakalito na ang bagbaba dito dahil sa spaghetti trail na nangyari daming daan daming butas. Sinasabing para mapadali ang trail ngunit ang nangyayari eh nakakasama pa lalo sa mga climbers ang sitwasyon. mahalaga pa rin talaga ang pag gawa ng trail sign. tandaan ang mga lugar na dapat daanan. ingat din sa lugar na maraming taniman at nag kalat ang mga asong gala. hahabulin kayo pramis. kaya nyo naman tumakbo ng may dalang fulpak eh. kaya ok lang yun. durog nga lang ang likod mo. hahaha! Ok naman ang climb basta yun lang ulit.. MAG INGAT SA MGA ASO!! Mag mulang arko papuntang taniman may mga ASO! Mag pavaccine na kayo ng anti rabies para ok! Precaution lang.

Other than that, masaya ang huling akyat ko sa Mt. Talamitam kasama ng aking mga kagrupo. Siguradong babalik akong muli dito. Sulit, sa halagang 800 pesos na budget(maluho na yan). Ang makapiling ang natural na ganda ng mga bundok gayundin ang kapayapaang ibinibigay nito ay hindi kayang ibigay ng sinehan at mga mall. Subukan nyo at makikita nyo ang mga sinasabi ko. Mula sa hangin, tao, hayop, halaman, puno at tubig. Iba talaga.

El-Nino-in-the-PhilippinesWow grabe ang init sa Pilipinas! Sa Maynila umabot na sa 35.6 degree centigrade ang init. Halos umabot na ito sa normal na temperature ng isang taong walang lagnat. Kaya naman pinapayuhan ang lahat na uminom ng maraming tubig upang makaiwas sa dehydration o pagkaubos ng tubig sa ating katawan gayun din sa heat stroke. At kung lalabas ng bahay sa ganap ng 10AM hangang 4PM, pinapayuhan  ang lahat na gumamit ng proteksyon laban sa init ng araw katulad ng shades, payong , sunblocks at sunscreen upang maiwasan ang direktang pagtama ng UVB at UVA sa ating mga balat.  Subalit sapat ba an gating kaalaman pagdating sa tamang pagpili ng Sunblock at Sunscreen na makapagbibigay sa ating ng sapat na proteksyon?

Ayon sa isang pagsusuri, lumalabas na ang mga consumer na bumibili ng sunscreens ay hindi talaga sigurado o alam kung ano ang benipisyong maidudulot ng mga ito sa kanila. Marami sa atin ang bili lang ng bili na hindi naman talaga alam kung ito ba ang tamang proteksyon na kailangan natin. Oo, alam  nating magbasa ng mga labels at prescription ng mga pruduktong ito. Aminin natin, karamihan sa atin hindi alam ang pagkakaiba ng UVA at UVB o SPF at UVA. Akala pa nga natin na kapag mas mataas ang SPF (Sun Protection Factor) means stronger UV protection.

Ano nga ba ang UltraViolet rays at bakit ito mapanganib sa ating kalusugan?

Ang sikat ng araw ay isang halimbawa ng UV radiation, na naglalabas ng tatlong ibat-ibang UV rays ayon sa wavelength nito. Ito ay ang;

  • UVA
  • UVB
  • UVC

UVA UVB RaysAng UVA rays ang may pinakamahabang wavelength sa tatlong nabangit, kasunod nito ang UVB, at UVC rays na may pinakamaikli. Sa tatlong nabangit tanging dalawa lamang ditto ang direktang tumatama sa ating mga balat at ito ay ang UVB rays na may short wavelength na tumatama sa outer layer ng ating balat (epidermis) ito ang karaniwang nagdudulot ng sunburns at irritation sa ating balat. Ang UVA rays naman ay may longer wavelength na tumatama naman sa middle layer ng ating balat (dermis).

Ano nga ba ang paraan upang maiwasan natin ang pagkasunog ng ating balat at worst ay ang skin Cancer?

Ang pagamit ng Sunblocks at Sunscreens ay isang paraan upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng sobrang exposed sa matinding sikat ng araw. Ngunit kinakailangan alam natin kung ano nga ba ang sunblocks and sunscreen na tumutugma sa ating pangangailangan.

The Skin Cancer Foundation recommends SPF’s of at least 15, which block 93 percent of UVB. While SPF’s higher than 30 block only 4 percent more UVB, they may be advisable for sun-sensitive individuals, skin cancer patients, and people at high risk of developing skin cancer. They also allow some margin for error if too little sunscreen is applied. While SPF is the universal measurement of UVB protection, no comparable standard exists for UVA. Scientists worldwide are working to develop a standardized testing and certification method to measure UVA protection.”

Here are some points to bear in mind whilst using sunscreen.

• Choose a sunscreen that is water resistant and check the “use by” date on the bottle.
• Always apply the product 15- 30 minutes before you go into the sun so your skin has time to absorb the product, and reapply once you get outside.
• Apply the sunscreen to clean, dry, skin and only rub it in very lightly.
• Reapply sunscreen every two hours, or more frequently if washed, rubbed, or sweated off.
• It’s fine to use a ‘children’s’ or ‘baby’s’ sunscreen, but you don’t need to go out of your way to buy one since they’re usually no different from the adult products.
• You don’t need to use expensive brands — the cheaper brands are just as effective if they are used properly.
• For sensitive areas of the body, such as the nose, cheeks, tops of the ears, and the shoulders, choose a sunscreen or sunblock with zinc oxide or titanium dioxide.

The American Academy of Pediatrics offers these guidelines:
• For babies younger than 6 months: Use sunscreen on small areas of your body, such as the face and the backs of the hands, if protective clothing and shade are not available.
• For babies older than 6 months: Apply to all areas of the body, but be careful around the eyes. If your baby rubs sunscreen into her eyes, wipe the eyes and hands clean with a damp cloth. If the sunscreen irritates her skin, try a different brand or try a sunscreen stick or sunscreen or sunblock with titanium dioxide or zinc oxide. If a rash develops, talk with your pediatrician.

Tandaan, hindi parin garantisadong maproproteksyonan ang ating balat laban sa UVA at UVB kahit pa gumamit tayo ng sunscreen o sunblock protection. Kahit pa sabihing ito na ang pinakamabisa sa lahat ng sunscreen. At kahit sa panahong hindi tirik ang araw maari parin tayong magka sunburn. Sun rays may bounceback from water, sand, and even concretes. Kaya’t kailangang lagi tayong protektado. Ang Sunblock at sunscreen ay isa lamang sa maraming paraan upang maiwasan ang pagkasira ng ating balat. Ang pagsusuot ng tamang kasuotan, sunglasses, shades at pagiwas sa init ng araw mula 10A.M. to 4 PM ang ilan pa sa mga paraan ito.

Kaya bago natin enjoy ang summer lalo na sa magagandang beaches dito sa Batangas, ugaliin nating pangalagaan ang ating kalusugan. Kumain ng wasto, ehersisyo at higit sa lahat uminom ng maraming tubig.

Malabrigo Lighthouse

Malabrigo-Lighthouse

Sometimes called Cape Malabrigo or Malabrigo lighthouse is a suitable place for photography session

Ang Lighthouse o Parola ay isang istrukturang naggagabay sa mga sasakyang pangdagat. Ito ay nagbibigay ng liwanag na nagmumula sa mga lente o, nung sinaunang panahon, sa apoy ito ay nagbibigay babala sa mga sasakyang-pangdagat kung may makakasalubong silang ibang sasakyan o anumang bagay na mababangga nila sa karagatan.
Sa Batangas isa sa mga sinaunang istrakturang naitayo ay ang Faro de Punta de Malabrigo. Ang Faro de Punta de Malabrigo na kilala rin sa tawag na Malabrigo Cape at Malabrigo Lighthouse ay isa sa dalawamput-apat na parolang naitayo sa Pilipinas sa panahon ng pananakop ng Espanya.
Ang Malabrigo Lighthouse ay matatagpuan sa bayan ng Lobo, Batangas. Sa taas na 56 feet, it is a place where you can overlook Verde Island and Mindoro from afar.

Sa panahon ng kolonisasyon ng Espanya, ipinatupad ang pagbuo ng mga istrakturang katulad ng lighthouses upang maging susi sa mga rutang-pangkaragatan sa buong Pilipinas. Isa rin sa mga layunin kung bakit itinayo ang mga Parolang katulad ng Malabrigo ay upang mapangalagaan ang paglago ng trapikong pandagat na nararansan ng Pilipinas ng mga panahong iyon.
Ang Faro de Punta de Malabrigo ay binuo sa pamamahala ni Jose Garcia. Sa tulong ni Guillermo Brockman ang konstruksiyon ng Malabrigo ay natapos 1896. Halaw sa arkitekturang Victoria ang disentyo ng Malabrigo na may tore at pabilyon. Ang orihinal na disenyo nito ay hindi padin napapalitan subalit ang mga lente o ilaw nito ay napalitan na. Mula sa mga dating pailaw, ito ay pinalitan ng Solar Powered-Halogen Lamps. Mas energy wise diba?
Kung sa may pagkakataon kayong marating ang bayan ng Lobo, Batangas. Isang magandang ideya ang pagbisita sa kasaysayan ng lumang Malabrigo Lighthouse.

hinarbat ang litrato dito: http://www.batangas-philippines.com/malabrigo.html

Habang naghahanap ng mapaglilibangan sa YouTube, hindi ko napigilang tipahin sa aking keyboard ang katagang Batangas. Madami dami na rin pala ang mga videos na patungkol sa Batangas, uploaded ng Batangueño o kaya naman mismong sa Batangas kinuhaan. Talaga namang kapuri puri ang Batangas at ang mga Batangueñong starring sa maiksing video na ito. Ang Totoong dangal ng Batangas.

Mabini shrine

Ang Mabini Shrine ay matatagpuan sa Brgy. Talaga sa Tanauan Batangas. Ang lugar na ito ay itinayo para maipakita ang mga importanteng kaganapan sa buhay ni Apolinario Mabini. Si Apolinario Mabini ay bayani ng ating bansa. Tinagurian siyang “Dakilang Lumpo” dahil kahit nagkaroon siya ng malubhang sakit hindi ito naging hadlang sa kanya upang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.
Si Mabini ay galing sa mahirap na pamilya lamang. Ang kanyang mga magulang ay sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Si Mabini ay pangalawa sa walong magkakapatid.Galing man siya sa mahirap na pamilya, hindi naging hadlang sa kanya ang pag-aaral. Ang kanyang lolo na isang guro, ang kanyang naging unang guro. Dahil sa taglay niyang katalinuhan, inilipat siya sa paaralan ni Simplicio Avelino. Si Mabini ay nagtrabaho bilang utusan upang maipagpatuloy lamang ang kanyang pag-aaral.
Noong 1881, nakakuha ng scholarship si Mabini sa Colegio de San Juan de Letran kaya siya ay lumipat ng Maynila. Kahit kulang sa pera, natapos niya ang kursong Bachelors in Arts and Professor of Latin  na may mataas na karangalan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan nakapagtapos siya ng abogasya. Naipasa niya ang bar exam noong 1895.

Mabini-Dining-and-Study-Table

Dining and Study table Mabini used

Tumira si Mabini sa bahay ng kapatid na si Agapito sa Nagtahan St., Sampaloc, Manila. Habang siya ay nag-aaral sa University of Santo Tomas, siya ay nagsimulang umanib sa Reform movement. Naging miyembro din siya ng La Liga Filipina ni Jose Rizal. Noong 1896, nagkasakit si Mabini ng polio na lumumpo sa kanya.. Ipinatawag siya ng lihim ni Aguinaldo upang maging opisyal niyang tagapayo.Nang naging pangulo ng Pamahalaang Republika si Aguinaldo, inatasan niya si Mabini na maging prime

Mabini-Books

Some of Mabini's Books

minister at pangulo ng mga konseho. Noon niya sinulat ang “Tunay na Dekalogo.”
Noong 1899, nadakip siya ng mga Amerikano at ipanbilanggo sa Nueva Ecija. Dito niya isnulat ang “Pagbangon at pagbagsak ng Himagsikang Filipino,” “El Simil de Alejandro,” at “El Libra.” Ipinatapon si Mabini sa Guam noong Enero 5, 1901. Ngunit kusa siyang nagbalik sa PIlipinas noong Pebrero, 1903. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo,1903 sa Nagtahan, Maynila.
Sa kaliwang bahagi ng museo makikita ang replika ng bahay kung saan ipinanganak si Mabini. Ito ay yari sa dahon ng nipa at kawayan. Ipinakikita dito ang kahirapang kinamulatan ni Mabini.
Makikita sa isang silid ng museo ang ilan sa mga libro at mesang ginamit ni Mabini noong siya ay nag-aaral pa sa Maynila.
Makikita din dito ang ilan sa personal na gamit ni Mabini.
Maaari ring makita ang ginamit niyang upuan noong panahon na siya ay nalumpo. Mga diyaryo na nalathala ang kanyang pagkamatay dahil sa sakit na cholera.
Makikita din ang kabaong na ginamit upang ilipat ang labi ni Mabini mula Museleo de los Veterenos de la Revolucion sa Maynila papunta sa Talaga, Tanauan noong Hulyo 1965. Ngayon makikita ang puntod ni Mabini sa kanyang lugar na pinagmulan, ang Talaga, Tanuan, Batangas. Yan si Apolinario Mabini, tunay na “DANGAL NG BATANGAS“.

pictures found here

Malapit na ang summer vacation ng mga bata, maaari na natin silang ipasyal sa mga nagagandang lugar dito sa Batangas. Sikat ang Batangas sa mga pamosong Beach Resort’s na talaga naming dinarayo. Pero alam nyo ba na hindi lamang mga Beach Resorts ang matatagpuan sa Batangas? Dahil bukod sa magagandang resorts ilang nagagandahang talon rin  ang makikita dito.

Tingga Falls

Tinga FallsAng Tingga Falls ay makikita sa Daang Ibaan, Batangas City. Ang talon ay may taas na 30 feet. May ginawang swimming pool area para sa mga turista na gustong pumunta dito. Ang ilang bahagi ng lugar ay binago at inayos upang maging angkop sa pangangailangan ng mga nagpupunta ditto. Gumawa din sila ng mga sementadong daan para sa mas maayos at madaling lakaran ng mga tao.

How to get there:

Location: Daang Ibaan, Batangas City
Tingga Falls ay mapupuntahan sa pamamagitan ng mga pribadong sasakyan na mula sa Town Proper. About 15 minutes ‘ drive from the town proper.

Bulalacao Falls

Ang Talon ng Bulalacao ay makikita sa Barangay Bulaklakan, Lipa City. Ang lugar ay may 3 maliliit na talon napapalibutan ng talampas. Ang may pinakamataas na talon nna matatagpuan dito ay may taas na 10 feet. Ang tubig ay nagmumula sa bunganga ng maliit na kuweba. Ang lugar ay sadyang kaiga-igaya dahil sa ganda ng paligid at maraming puno ang dito’y nakapalibot.

How to get there:

The province of Batangas is 110 kilometers south of Metro Manila,from where it is accessible by land transportation. The commercial buses of BLTB,JAM,Tritran,Batangas Express Liner,Triftman Liner,Biñan transportation,ALPS,and CJC Transit serve the riding public. Take a bus from the Pasay City bus terminal to Nasugbu. The bus will take you to the bus terminal near Nasugbu’s municipal hall. From there you can hire a tricycle or jeepney to take you to your destination.

Calicon Falls

Ito ay makikita sa Barangay Calijon, Malvar, Batangas. Ang pinakapangunhahing atraksiyon nila ay binubuo ng 2 malaking talon at dalawang maliliit na talon. Ang isa sa malaking talon ay may taas 10 feet na may malalakas at malilinis na tubig pababa sa isang mababaw na ilog. Ang isa ay may taas ding 10 feet high na sa tingin ng iba ay hugis damit pang-kasal. Ang tubig sa isa sa 2 maliit na talon ay tulad ng isang dutsa at ang isa ay parang nagbubuo ng maliliit na patak ng tubig. Ang buong lugar ay tinatayang may 300 square meter na lawak. May konkretong daan na binubo ng 300 steps ang inyo munang lalakarin bago marating ang lugar kung saan makikita ang magandang Calicon falls.

How to get there:

Location : Barangay Calijon, Malavar
The spot is accessible from Manila by buses bound for Batangas City or Lemery Pass by Malvar town. Although jeepneys service Barangay Calijon from the town proper, it is better to ride a private vehicle. Also, most parts of the about five-kilometers strech of road is rough. Upon reaching the area, a series of concrete steps (300 steps) will have to be taken.

Ilijan Falls / Lagoon

Ilijan FallsIto ay makikita sa Barangay Ilijan, Batangas City. Ito ay may kakaibang talon. Ang tubig ay nagmumula sa isang malaking sapa sa taas ng bundok. Ang tubig na nagmumula dito ay parang nagpapasalin-salin sa isang lalgyan. Ito ay may 7 naglalakihang lalagyan na bato na inukit ng panahon sa gilid ng bundok at inayos katulad ng isang hagdan. Ang tanawing ito ay sadyang napakaganda.

How to get there:
Location : Barangay Ilijan, Batangas City
It is best to travel by boat from Batangas City port to reach the place. Travel time : The trip takes about an hour. Upon arrival at the beach of Ilijan, a three- kilometer hike will have to be taken.
Kung mapapagawi koyo dine sa Batangas, bakit hindi ninyo subukang pasyalan ang mga nabangit na lugar. For sure, hindi kayo magsisisi. Dahil sadya naming pagkagaganda ng mga lugar na ito. At hindi lang yan, ang Batangas din ay isang probinsiya na malapit lang sa Maynila kaya hindi na kayo mag-dadalawang isip na puntahan ang mga lugar na nabangit ko. Hindi lang ito accessible, affordable din ang lahat ng mga lugar kaya hindi mabubutas ang inyong mga bulsa.

Enjoy your summer! Happy Tripping sa inyong lahat…