Category: Batangas Highlights


Hindi ako mahilig manood ng mga reality shows gaya ng mga singing at ng iba pang talent search contests. Mas madalas kasi na pinapanood ko yung mga temang madudugo, bakbakan at kung ano-ano pang walang kwentang shows na puro bentahan ng walang kwentang gamit ang napapanood. Pero nakahatak ng pansin sa akin ang bagong Youtube Sensation na si Jovit Baldivino ng Pilipinas Got Talent na ine-ere sa Kapamilya Channel tuwing Sabado at Linggo (weekdays ata meron na ding replay). Habang isinusulat ko ang blogpost na ito, ang video niya sa youtube kung saan siya sumikat ng husto ay mayroon nang 3,898,143 hits at pimipitik-pitik pa (pero tinangal na ata ng kung sinog KJ). Hindi ko naman talaga papansin ang isang ito kung hindi rin lang siya taga-Batangas. Siyempre pag taga-alaeh, siguradong talented hindi ga?

At ngayon ngang nakaraang Linggo, muli tayong pinahanga ng isang Jovit Baldivino. Siya ang kauna-unahang finalist ng Pilipinas Got Talent 2010. Siya rin ang kauna-unahang contestant na binigyan ng full-standing ovation ng mga manonood at higit sa lahat ng mga hurado dahil sa kanyang magandang rendition ng kantang Carrie na pinasikat ng bandang Europe. Ang sabi pa nga ni Kris Aquino “Ikaw ang male version ni Charice Pempenco ahahaa…”.

Ang first batch ng semi-finalists ay idinaan sa text votes at online voting ang labanan, kung kaya naman masasabi nating naging fair ang labanan ng anim na semi finalists na kinabibilangan nina Ruther Urquia ng Luzon, Jhistine and Filemon Baguio, the Snap Boiz ng Visayas, Xavier University Cultural Dance Troupe at si Rolando Permangil of Mindanao.

Sa anim na naglaban laban, nakakuha si Jovit ng mahigit 80% ng kabuuang boto kaya naman siya ang automatikong pumasok sa grand finals. Pumangalawa si Ruther Urquia na naglabas pa ng extra puppet na ikinatuwa ng judges. Pero kung ako ang tatanungin mas naaliw ako sa Snap Boiz dahil bukod sa madugo at medyo may bakbakan ang kanilang pagsayaw mas higit na kinaaliwan ko ang kanilang pagiging madumi. Gusto ko kasi ang madudumi. Masarap ang madumi tulad ng mga nabibiling pagkain sa kalye. Kaya lang hindi sila taga Batangas saka niloko nila ang taumbayan dahil sa pagkakaroon ng snow sa Pinas. Kaya kay Jovit padin ako, Go! Jovit! Nakakatuwa kasi itong si Jovit sapagkat bukod sa kanyang talent at Fansclub, napakahumble rin ng batang ito.

Suportahan po nating muli si Jovit Baldivino sa kanyang mga darating na laban, upang ng sa gayon, ang hiranging kaunaunahang Pilipinas Got Talent Champion ay Proudly Alaeh-Made…

Advertisements

Dangal ng Batangas

Habang naghahanap ng mapaglilibangan sa YouTube, hindi ko napigilang tipahin sa aking keyboard ang katagang Batangas. Madami dami na rin pala ang mga videos na patungkol sa Batangas, uploaded ng Batangueño o kaya naman mismong sa Batangas kinuhaan. Talaga namang kapuri puri ang Batangas at ang mga Batangueñong starring sa maiksing video na ito. Ang Totoong dangal ng Batangas.

.