Mabini shrine

Ang Mabini Shrine ay matatagpuan sa Brgy. Talaga sa Tanauan Batangas. Ang lugar na ito ay itinayo para maipakita ang mga importanteng kaganapan sa buhay ni Apolinario Mabini. Si Apolinario Mabini ay bayani ng ating bansa. Tinagurian siyang “Dakilang Lumpo” dahil kahit nagkaroon siya ng malubhang sakit hindi ito naging hadlang sa kanya upang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.
Si Mabini ay galing sa mahirap na pamilya lamang. Ang kanyang mga magulang ay sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Si Mabini ay pangalawa sa walong magkakapatid.Galing man siya sa mahirap na pamilya, hindi naging hadlang sa kanya ang pag-aaral. Ang kanyang lolo na isang guro, ang kanyang naging unang guro. Dahil sa taglay niyang katalinuhan, inilipat siya sa paaralan ni Simplicio Avelino. Si Mabini ay nagtrabaho bilang utusan upang maipagpatuloy lamang ang kanyang pag-aaral.
Noong 1881, nakakuha ng scholarship si Mabini sa Colegio de San Juan de Letran kaya siya ay lumipat ng Maynila. Kahit kulang sa pera, natapos niya ang kursong Bachelors in Arts and Professor of Latin  na may mataas na karangalan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan nakapagtapos siya ng abogasya. Naipasa niya ang bar exam noong 1895.

Mabini-Dining-and-Study-Table

Dining and Study table Mabini used

Tumira si Mabini sa bahay ng kapatid na si Agapito sa Nagtahan St., Sampaloc, Manila. Habang siya ay nag-aaral sa University of Santo Tomas, siya ay nagsimulang umanib sa Reform movement. Naging miyembro din siya ng La Liga Filipina ni Jose Rizal. Noong 1896, nagkasakit si Mabini ng polio na lumumpo sa kanya.. Ipinatawag siya ng lihim ni Aguinaldo upang maging opisyal niyang tagapayo.Nang naging pangulo ng Pamahalaang Republika si Aguinaldo, inatasan niya si Mabini na maging prime

Mabini-Books

Some of Mabini's Books

minister at pangulo ng mga konseho. Noon niya sinulat ang “Tunay na Dekalogo.”
Noong 1899, nadakip siya ng mga Amerikano at ipanbilanggo sa Nueva Ecija. Dito niya isnulat ang “Pagbangon at pagbagsak ng Himagsikang Filipino,” “El Simil de Alejandro,” at “El Libra.” Ipinatapon si Mabini sa Guam noong Enero 5, 1901. Ngunit kusa siyang nagbalik sa PIlipinas noong Pebrero, 1903. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo,1903 sa Nagtahan, Maynila.
Sa kaliwang bahagi ng museo makikita ang replika ng bahay kung saan ipinanganak si Mabini. Ito ay yari sa dahon ng nipa at kawayan. Ipinakikita dito ang kahirapang kinamulatan ni Mabini.
Makikita sa isang silid ng museo ang ilan sa mga libro at mesang ginamit ni Mabini noong siya ay nag-aaral pa sa Maynila.
Makikita din dito ang ilan sa personal na gamit ni Mabini.
Maaari ring makita ang ginamit niyang upuan noong panahon na siya ay nalumpo. Mga diyaryo na nalathala ang kanyang pagkamatay dahil sa sakit na cholera.
Makikita din ang kabaong na ginamit upang ilipat ang labi ni Mabini mula Museleo de los Veterenos de la Revolucion sa Maynila papunta sa Talaga, Tanauan noong Hulyo 1965. Ngayon makikita ang puntod ni Mabini sa kanyang lugar na pinagmulan, ang Talaga, Tanuan, Batangas. Yan si Apolinario Mabini, tunay na “DANGAL NG BATANGAS“.

pictures found here