Category: Batangas Foods


AmpalayaNoong maliliit pa kaming magkakapatid, hate na hate namin ang ampalaya o bitter gourd. Kahit na anong klaseng luto ay hindi talaga ma-take ng aming sikmura ang mapait na lasa nito. Tuwing magluluto si tatay ng ampalaya ay bantay-sarado ang aming ina sa hapag habang kami ay kumakain.

Nang minsan akong umuwi kasama ng pamilya ng aking asawa sa bayan na kinalakihan ng aking father-in-law ay nakilala at natikman ko ang atcharang ampalaya. Ang Calaca, Batangas ang aking tinutukoy. Atchara ang kanilang pangunahing produkto. Iba’t ibang atchara ang matitikman dito tulad ng papaya, labong at syempre ang paborito kong ampalaya. Dahil sa mataas na demand ng atchara sa bayang ito kaya isinilang ang CALACATCHARA FESTIVAL. Ang festival na ito ay hindi lamang pagpapasalamat sa kanilang produktong atchara kundi na rin sa pagbibigay-puri sa kanilang patrong si San Raphael.

bottled amplayaBalik tayo sa atchara, ang mga tindang atchara sa tindahan nina Aling Conching (may-ari ng tindahan) kami laging bumibili tuwing kami ay bumibisita sa Calaca.(Sana ay hindi siya magalit kapag nabasa nya ito). Ang kanilang mga atchara ay talaga namang ubod ng sarap. Pwede itong isabay sa kanin partner ang pritong isda o kaya nama’y karne. Kung minsan naman ginagawa ko itong ulam. Hehehe.. Sarap talaga. Ang isang pangkaraniwang bote na aming binibili ay nauubos ko lamang sa isang kainan. Hahaha. Ang kanilang tindahan ay naglagay na rin ng atchara sa pouch dahil sa hiling ng marami nilang buyers. Karamihan kasi sa kanilang customers ay dinadala ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang lugar. At sa tuwing may bakasyonistang galing sa ibang bansa ang bumibisita sa amin, ang atchara nila ang lagi ibinibigay ng aking mother-in-law.

Hindi ko alam kung paano nila ginagawa ang kanilang mga atchara. Alam ko ring may secret recipe sila dito. Ang malutong na ampalaya at ang timpla nito, masasabi kong ito ang pinaka the best na atcharang natikman ko. Daig pa nito ang ilan sa mga atcharang natikman ko na sa ibang restaurant.

Another special product PROUDLY ALAH-EH MADE!

Hay… sa sobrang dami ng trabaho sa opisina at sa bahay ngayon lang ulit ako nakapagsulat. Kamakailan ay nabanggit sa akin ng aking misis na gusto niyang kumain ng KALUMPIT. Malamang marami sa atin ang hindi pa nakakakita o nakakatikim ng ganitong prutas. O kaya naman ay natikman nyo na pero hindi nyo alam ang pangalan.

Ang kalumpit (Terminalia edulis BLANCO) ay isang uri ng punong namumunga (fruit-bearing tree). Hindi ko alam kung ito ay makikita lamang sa Batangas especially sa lugar ng aking father-in-law sa Calaca o may lugar pa sa Pilipinas na nakakaalam nito. Maaaring ito ay seasonal dahil makikita lamang ito tuwing summer, sa pagitan ng April hanggang May. Ang kalumpit ay may maliliit na bunga na kung hinog ay kulay violet-black. Naalala ko nung nakaraang taon ng kami ay umuwi sa Calaca, kasama ng aking misis at ilang pamangkin nanlimot kami ng kalumpit sa tapat ng bahay ng aming kapitbahay. Ang hirap pala nito dahil ang liit ng mga bunga ng kalumpit at hihintayin mo pa ang malakas na hangin para may manlaglag na Kalumpit2bunga. Hahaha.. Pero masaya dahil parang contest ang nangyari dahil paramihan kami ng nalimot. Nang tanungin ko ang aking misis kung may nabibili nito sa palengke sa di kalayuan para hindi kami mapagod ay meron naman daw ngunit malimit na. Mas masaya daw kapag nanlilimot kami dahil pinaghirapan. Mahirap din namang akyatin kasi ang tarik ng puno. Ang puno ng kalumpit ay may taas 35m at may lapad na 100cm. Ito ay matibay ngunit ang mga sanga ay magkakalayo at may maliliit na dahong parang kulay pula. Pagkatapos naming manlimot ay hinugasan lang ito ng ilang hugas, nilagyan ng asin at presto pwede ng kainin. Hindi ako magtataka kung bakit isa ito sa paboritong prutas ng aking asawa. Hmmm.. Ito ay may matamis-tamis at maasim-asim na lasa. Hmmm ang sarap talaga. At kung pauwi na kami dito sa Manila ay dumadaan pa kami sa isang tindahan na gumagawa ng minatamis na kalumpit para bumili ng ilang bote. Ang minatamis na kalumpit ay niluto lamang sa asukal. Hindi na kailangang ibabad kung ito ay pinitas sa puno. Kung nabili lamang sa palengke, kailangan pa itong hugasan ng ilang ulit at ibabad upang maalis ang maliliit na uod.Pagkatapos malinis ay lagyan ng asukal at pakuluin lagyan lamang ng konting tubig. Maaari din muna itong ibabad magdamag upang masipsip ang tamis ng asukal. Pagkatapos lutuin ay palamigin lamang at pwede na itong kainin. Pero syempre dahil may available ng naka-bote ilagay lamang ito sa ref at maya-maya kapag malamig na, pwede ng upakan. Hahaha…

Alah-Eh! Pagkasarap!

Mga Pagkain at Lutuing Batangas

Madalas kaming umuwi ng batangas lalo na kapag fiesta o kaya naman ay may okasyon. Si misis kasi ay tubong Batangas. Ang pamilya nila ay nag-ugat sa Calaca Batangas. Halos dun na din sila lumaki at lumipat lamang ng madestino ang kanilang ama sa Maynila. Masasabi kong ang kanilang lugar ang isa sa pinakamalinis, tahimik at napakaayos na kumunidad sa Batangas.

Kung meron akong nakahiligan at pinakanagustuhan sa Batangas (bukod siyempre kay misis), ito ay yung mga lutong pagkain na talaga namang pagkasasarap.

Batangas Beef Tapa

Batangas Beef Tapa

Umpisahan natin sa almusal. Eto ang talagang Da Best! Ang pinagmamalaking BATANGAS BEEF TAPA with roasted KAPENG BARAKO on the side. Sino ba naman ang hindi magigising sa umaga kapag naamoy ninyo ang aroma kasabay ng pagkalansing ng kutsaritang humahalo sa isang tasang kapeng barako. Sabayan pa natin ng napakasarap na Batangas Beef Tapa with sunny side-up egg, tomatoes and pipino on the side.

Number 1 Ulam naman para sa ating tanghalian na pwede din sa anumang okasyon ang GINATAANG TULINGAN sa KALAMYAS na specialty rin ng father-in-law ko. Ang masasabi ko lang dito amoy palang busog kana. Lalo na kapag nagmamantika na yung sabaw dahil sa gata, Yummy! Minsan hinahaluan nya din ito ng ginger powder kung tawagin (Ito yung yellowish na parang pulbos, mabibili to sa mga palengke). Nagmumukhang curry yung ginataan pero siyempre mas sumasarap. At ang maganda sa ulam na ito, bukod sa masarap na, masustansiya pa at higit sa lahat abot kaya.

Ginataang Tulingan sa Kalamyas

Ginataang Tulingan sa Kalamyas

Sumunod naman ay ang kilalang BULALONG BATANGAS. Masarap ang nilagang baka sa batangas lalu na yung ibinebenta sa tagaytay. Siguradong sariwa ang karne at pinalambot ng husto. sabaw pa lang ulam na. Di ko nakakalimutang bumili at kumain nito bago bumaba ng Tagaytay. Nagutom tuloy ako, hahaha.

Eto pa pala ang isang natikman ko. PALAGITIK NA ADOBO SA GATANG MANOK NA TAGALOG. Super sa sarap to, mag,aadobo k muna ng manok,konti lang ang sabaw, then, intayin mong maiga, ibuhos mo n ung gata pag ok n, wait until maiga at kumapit n ung gata s laman, kapag lumalagitik n, niluluto n un s mantika ng gata, wala ng sbaw to, prang prito n lang, puro ung lasa, Wow! Ire ang Yummy!

At sino ba naman ang makakalimot sa specialty ng Calaca Batangas? Ano pa nga ba kundi ang pinagmamalaking world renown ACHARANG CALACA. Meron pa ngang Calacahara festival na pinagdiriwang tuwing ika 15-24 ng Oktubre. Mahigit isang lingong kasiyahan na nilalahukan ng ibat ibang barangay at schools sa Calaca. Sa paraang ito mo makikita ang pagkakaisa ng mga Batangueño’s.

Kalamay

Kalamay

Meryenda naman tayo or pwede ding panghimagas. Karaniwan sa mga fiestahan maraming nabibiling ganito. Sa mga simbahan makikitang pumupwesto ang mga nagtitinda nito, ano pa nga ba ang tinutukoy ko? Siyempre ang pinagmamalaking KALAMAY ng Rosario. Talaga namang mouth watering ang kalamay na to. Lalo na yung sandamukal ang latik sa ibabaw. Naguunahan pa nga kami ng mga pamangkin ni misis dun sa may pinakamadaming latik sa ibabaw.

Kung sumasakay ka naman sa commercial bus from Batangas, malamang isa ka sa mga napagbilhan ng sweet delicacy na ito. Ito yung EMELDA SWEET TAMARIND, madalas ito yung naka box na white na inaalok ng mga tinderang umaakyat sa bus. Kaunting kaalaman mula sa  www.agribusinessweek.com.

The year was 1967. Emelda Garcia, now the owner and the proprietor of the business-running from one generation to the other, described

Sweet Tamarind

Sweet Tamarind

how the brand name “Emelda’s Sweet Tamarind” all started: “Matagal na `tong business na `to. Nag-stop sya nung 1984 kasi wala nang tumutulong sa nanay ko nun. Sa bahay lang namin ginagawa lahat. Then, mag nag-kinder na yung eldest ko, we decided to cook something no pinatikim nya sa mga kaklase nya. ‘Di nagtagal, umoorder na mga tao sa kanya. Hinahanap-hanap na nila `yung sampalok. Ipapadala daw sa mga kamag-anak nila. And everything else, as we all know, is history. And history din kung pano ko kinain ang tatlong box nito (hehehe).

ALA-EH! Ako man ay hindi purong Batangueño or taga-Batangas, pero sa isip, sa salita at sa laman ng tiyan, ako ay isang Batangueño. Di man ninyo ako kasing TAPANG, ako naman ay malakas LUMAPANG. Kung may mga nakalimutan pa po ako o may mga karagadagang mensahe maari po kayong mag-iwan dine’ ng komento.