The-PCOS-MachineNgayong apat na araw na lamang at nalalapit na ang halalan papaano ba pinaghahandaan ng isang Batangueño ang darating na halalan? Alam mo naba kung paano ang tamang pagboto?  Eh ang paraan ng AUTOMATED ELECTION gamit ang PCOS machine. Kung hindi pa alamin dito : How to Vote in an Automated Election. Alam mo na rin ba kung saan ang iyong presinto? Sa ngayon kasi nagkaroon ng pagbabago. Nagkaroon ng tinatawag na CLUSTERED PRECINCTS. Upang malaman ang inyong presinto bago ang halalan bisitahin ang COMELEC WEBSITE dito: How to Find Online You Precinct Before Election Day

Ang mga susunod na araw ay mahalaga para sa ating mga Pilipino.Ito ang pinakahihintay nating lahat. Isa kasi itong milestone sa ating kasaysayan, ang magpapabago  ng ating kasaysayan. Kung makabubuti man ito o makasasama, yan ang hindi natin alam. Siyempre tayong lahat ay umaasa ng pagbabago. Kasi ba naman lahat ng kahirapang ating nararanasan ay dahil sa hindi maayos na pagpapatakbo n gating gobiyerno. Tama, lahat ay isinisisi sa ating Gobiyerno, pano ba naman kasi, talamak ang kurapsyon sa ating bansa mula sa maliliit na institusyon hangang sa pinakamalaking sangay ng ating pamahalaan. Ang kurapsyon ang sinasabing numero unong nagpapahirap sa ating bansa. Kasunod nito ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na walang ginawa kundi ang apihin ang maliliit na mangagawa, mangangalakal at simpleng mamamayan. Iniisip lamang nila ang kanilang mga makakasariling hangarin.

Kaya’t ngayong darating na HALALAN, marapat lamang na tayong lahat ay makialam. Bantayan natin ang ating mga boto. Mahirap ng Madaya at maulit ang GARCI SCANDAL noong panahon ni Presidente Arroyo. Kailangan din maging MAPANURI at PAGISIPAN nating mabuti kung sino ang nararapat na pagkatiwalaan at manungkulan para sa ating bansa, bayan o lalawigan. Hindi porke’t SIKAT NA ARTISTA iboboto na. Wala namang kredibilidad. Hindi qualified na manungkulan. Hindi porke’t ating KAIBIGAN o KAMAG-ANAK yun laang. At higit sa lahat huwag po nating ipagbibili ang ating mga boto kapalit ng pera ng mga kurakot na opisyal.

Huwag tayong magpatianod lamang tulad ng mga waterlilies. Lahat tayo ay manindigan, Iboto ang sa palagay natin ay KARAPAT-DAPAT at kayang maglingkod ng TAPAT sa ating bayan.

Sama-sama nating bantayan ang ating mga boto laban sa PANDARAYA. Sama-sama nating bantayan ang ating boto laban sa KATIWALIAN. Hindi dahil automated na, mawawala na ang mga pandaraya. Hanga’t hindi nawawala ang mga tiwaling Opisyal sa pamahalaan hindi masusupil ang KATIWALIAN. Bawat isa ay instrumento ng PAGBABAGO.