Pumanaw na nga po si Dating Governor Armand Sanchez. Siya ay idineklarang patay, Martes sa ganap na ika 7:20 PM ng kanyang Doktor sa Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City. Matatandaang si Ex-Gov. Sanchez ay tinamaan ng heat stroke sa kasagsagan ng kanyang pangangampanya nitong Lunes lamang.

Ayon kay Dr. Isagani Bolompo, Sanchez’, ang attending physician ng dating gobernador, na bagamat sumailalim sa isang operasyon, ang pagkakaroon ng cardio-pulmonary arrest, secondary to multi-organ failure, ang sinasabing dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Si Sanchez ay nagsimula sa pagiging Municipal Mayor ng Sto. Tomas, Batangas mula noong 1998 hanggang 2004 at bilang Gobernador ng lalawigan ng Batangas mula 2004 hanggang 2007, kung saan siya ay kinilala bilang isang Action Man.

Ipinanganak noong Agosto 15, 1952 sa Barangay Sta. Ana, Sto. Tomas, Batangas, si Arman ay nag-aral ng elementarya sa San Jose Elementary School at nagtapos sa mataas na paaralan ng St. Thomas Academy. Siya ay kumuha ng kursong BS Mechanical Engineering sa University of the East. Siya ay ginawaran ng Masteral Degree sa Mechanical Engineering.

Isang malaking kawalan para sa aming mga Batangueño ang pagkawala ng isang Armando Sanchez. Marami pong SALAMAT…

Mga Karagdagang ulat mula sa abscbn news: