Latest Entries »

.

Ngayong nalalapit na naman ang Semana Santa, marami sa ating mga pinoy ang may iba’t-ibang tradisyon ng pagsalubong nito. Sikat sa ating mga kabataan ang Pasyon, Alay lakad, Mt.Hiking at siyempre ang pag viVisita Iglesia. Pero pano nga ba nagsimula ang tradisyong ito? Ilan nga ba uling simbahan ang dapat puntahan?

“The tradition of visiting seven churches on Holy Thursday is an ancient practice, probably originating in Rome, where early pilgrims visited the seven pilgrim churches as penance. They are Saint John Lateran, Saint Peter, Saint Mary Major, Saint Paul-outside-the-Walls, Saint Lawrence Outside the Walls, Holy Cross-in-Jerusalem, and traditionally Saint Sebastian Outside the Walls. Pope John Paul II replaced St. Sebastian with the Sanctuary of the Madonna of Divine Love for the jubilee year of 2000.”

Sa Pilipinas karamihan sa atin ay hindi ang Blessed Sacrament ang sinusunod na pitong simbahan lamang ang kailangang bisitahin. Mas marami ang bumibista ng higit pa o 14 simbahan na sumisimbolo sa Station of the Cross. Samakatuwid ang isang simbahan ay katumbas ng isang istasyon.

Kung kayo ay mga Batangueño o nasa karatig bayan ng Batangas ilan lamang ang mga simbahan/basilica na maaari ninyong puntahan. Hindi lamang dahil upang mangilin kundi kilalanin at maging bahagi na rin ng kasaysayan ng Batangas.

Ermita Church

ermita church Balayan

Ang Ermita Church na Matatagpuans sa bayan ng Balayan, Batangas ay isa sa mga pamosong attraksiyon ng lugar.

Ang Ermita Chruch ay matatagpuan sa Balayan, Batangas.  Ito ang naitalang pinakaunang simbahang naitayo sa buong probinsiya ng Batangas maging sa buong rehiyon ng Katagalugan.

Ang mga paring Pransiskano ay tumirasa Baryo Ibabaw at nagtayo ng maliit na simbahang-bato o Ermita. Ito ay sa pamumuno ni Fr. Francisco de Santa Maria noong 1579.

Mula sa Baryo Ibabaw na dating kilala sa tawag na Ermita at ngayon ay Barangay Calzada, ang mga paring Pransiskano ay lumipat patungong rehiyon ng Bikol. Noong 1590,ang bago at maliit na simbahan na yari sa bato ay nailipat sa pamumuno ni Fr. Pedro Chirino na naging spiritual administrator ng ilipat ang pamumuno ni Fr. Juan de Oliver sa kanya ng sumunod na taon, 1951.

Basilica Minore of the Infant Jesus and Immaculate Concepcion

Ang simbahang ito ay itinuturing na isa sa pinakalumang simbahang Katoliko sa Batangas. Ito ay matatagpuan sa Batangas City.

Basilica de Immaculada Batangas City

Pinakalumang simbahan na matatagpuan sa Batangas City. Ang bayang ito rin ang pangunahing seaport area sa buong CALABARZON.

Makikita sa dulo ng pangunahing kalsada ng lungsod kung saan maraming paaralan, opisina at negosyo ang matatagpuan. Dito makikita ang imahe ng Santo Niño ng Batangas. Ngayon ang kumbento ay nagsisilbi ng isang paaralan.

Ang unang simbahan ay tinayo noong 1581 sa pamumuno ng paring Agustinian na si Fr. Diego Mojica. Siya ay isang pastor sa Calapan, Mindoro. At noong 1601, ang batong pundasyon ay pinalitan ng pangalawang simbahan na itinayo ng mga pari mula 1682-1721. Itinayo ang kumbento pagkatapos ng ilang taon para maging proteksyon sa mga pirata ng dagat.

Pagkaraan ng 179 na taon, ang simbahan ay nasira. Sa taon ding iyon, ang simbhan ay muling pinagawa sa pamumuno ni Fr. Perdro Cuesta. Ang simbahan ay ginawaran bilang basilica ni Papa Pius XII.  (“Given in Rome, at St. Peters, with the seal of the Fisherman, on the 13th day of February in the year 1948, the tenth of our Pontificate -1948.”) Ang pagtatayo ng simbahang ito ay inialay sa Birhen ng Immaculada Concepcion, kaya ito ay tinawag na Basilica de Immaculada Concepcion.

Basilica of St. Martin de Tours

St martin de Tours

Reconstructed in 1856 dahil sa isang lindol. Basilica of St. Martin de Tours na kilala rin sa tawag na Taal Basilica, ay kabighabighaning tanawin habang papalubog ang araw.

Ang Basilica of St. Martin de Tours ang pinakamalaking simbahan sa Asia. Ito ay may 96 meters  na taas at 45 meters na luwag.  Ito rin ay kilala bilang Taal Basilica. Ito ay makikita sa Taal, Batangas.

Ito ay itinayo sa pagkilala kay San Martin de Tours na siyang patron ng Taal. Ang basilikang ito ay itinayo noong 1575 sa pamumuno ni Fr. Diego Espina. Noong 1754, ang simbahan ay nasira dahil sa pagputok ng Bulkang Taal. Ito ay muling itinayo noong 1755 at muling nasira noong 1849 dahil sa malakas na lindol. Ang simbahan ay muling ipinatayo noong 1856 at naitala bilang pinakamalaking simbahan sa buong Silangang Asya. Ang basilikang ito ay nakakabighani dahil sa napakagandang arkitektura nito.

Ang simbahang ito ay naging Basilica noong Disyembre 8,1954. Ito ay idineklarang National Shrine noong Enero 16, 1974 sa Presidential Decree No. 375.

Our Lady of Caysasay Church

Our Lady of Caysasay

Ayon sa kasysayan, ang imahe ng Our Lady of Caysasay (Nuestra Señora de Caysasay) ay nakuha ng mangingisda malapi sa Pansipit River. Ang piyesta ng Our Lady of Caysasay ay ipinagdiriwang tuwing ika-8 ng Disyembre

Maliban sa Basilica of St. Martin de Tours may isa pang simbahan sa Taal na dapat ninyong puntahan, ito ay ang Simbahan ng Birhen ng Caysasay sa Labac, Taal. Dito makikita ang maraming antigong santo na nagmula pa sa Spanish era. Ito ay tinayo sa para sa pagbibigay-parangal sa Nuestra Señora de la Misericordia.

Ang ilan sa antigong santo na makikita dito ay ang imahe ng Birhen na nakuha sa Ilog ng Pansipit. Ito ay nakita ni Juan Maningcad habang nanghuhuli ng isda noong 1603. Ito ay may taas na 27cm. Ito ay may ilang ulit ng inayos ngunit marami pa rin sa bahagi nito ang naiwan na nagsisilbing atraksyon sa simbahan. Ito ay may sukat na 50m na haba at 10m na laki. Ginugunita ang pista ng Birhen ng caysasay tuwing Disyembre 8.

Bauan Cathedral

Ang Bauan Cathedral ay matatagpuan sa Bauan, Batangas. Ito ay unang itinayo noong 1667 ni Fr.  Jose Rodriguez. Itinayo

Bauan Cathedral

Ang sikat na Bauan's Subli-an Festival bilang pagbibgay pugay sa "Banal na Krus ng Bauan"

ito sa ikalawang pagkakataon ni Fr. Nicolas de Rivera noong 1689 at noong 1692, itinayo itong muli ni Fr. Simon Martinez. Itinayo ulit ito gawa sa bato at kahoy sa pmumuno ni Fr. Ignacio Mercado mula 1695-1697. At ang ikalima ay ni Fr. Blas Vidal noong 1700-1710.

Ang bagong simbahan ay pinagawa noong 1762 ni Fr. Jose Victioria sa pamumuno ni Don Juan Bandino. Ang harapang parte ay tinapos ni Fr. Hipolito Huerta. At ang iba pang dekorasyon ay inayos noong 1881 ni Fr. Moises Santos at noong 1894 ni Fr. Felipe Garcia.

Ang simbahan ang nangangalaga sa Banal na Krus ng Alitagtag, ang kanilng patron. Ito ay nakita ng mga mamamayan sa lugar na tinatawag na “dingin” na malapit sa Alitagtag. Ang Banal na Krus ay gawa sa kahoy na anubing na may taas na 2.5m at 1m krus. Isang gintong araw na may mga sinag at may nakaukit na mukha ng tao ang makikita sa gitna ng krus.

Isang malaking kampana ang inilagay ni Fr. Alberto Tabores noong 1788. Ang tuktok kung saan umaawit ang mga mang-aawit sa nasira noong 1870 at inayos noong 1874. At nilagyan din ng orasan, pandagdag dekorasyon.

Ang kumbento na unang ginawa ni Fr. Jose Trevino noong 1762. Ang buong simbahan ay napapalibutan ng capis na bintana.

St. Joseph Church

St. Joseph Church

Itinayo nuong taong 1765, ang St. Joseph Church na matatagpuan sa bayan ng San Jose, Batangas

Ang simbahang ito ay makikita sa San Jose, Batangas.  Ito ay may sukat 60m haba at 14m laki.  Ito ay unang tinayo gawa sa kogon at kawayan ng mga paring Agustinian noong 1788. Ang pangkasalukuyang ayos ng simbahan ay ginawa noong 1812 sa pamamahala ni Fr. Manuel Blanco, OSA.

May malaking altar na pumapaikot sa imahe ni San Jose. Noong ika-19 na siglo, sa labas ng simbahan ay may pinagawang tulay na nag-uugnay sa simbahan patungong Ilog na Malaking tubig.

Ang San Jose  ay siyang tirahan ng mga Oblates of St. Joseph Mission and it’s Minor Seminary. Ito ay itinatagtag ni St. Joseph Marello. Ang mga ito ay unang kongregasyon mula sa Italya na nagpapadala ng mga misyonaryo sa Pilipinas. Ang San Jose ang sentro ng Vacariate IV ng Archdiocese ng Lipa.

Ang San Jose ay nagdiriwang ng Sinuam Festival tuwing  Abril 25 para sa pagkilala ng kanilang bayan.  Ipinagdiriwang din ito para pasalamatan ang kanilang patron  para sa magandang takbo ng mga negosyo sa kanilang lugar, ang manukan.

–fin–

Ilan lamang ito sa mgaa simbahang maari ninyong bisitahin, bilang pamamanata, Visita Iglesia o sadyang trip lang. Iba’t iba man ang ating mga paniniwala. Basta ang mahalaga, ang isabuhay natin ang ating mga pinaniniwalaan ng naaayon sa Urbanidad, ethics o pagka makatao.

maliputo

Maliputo ay isa lamang sa mga local delicacies ng Batangas. Ang isadang ito ay tanging sa Batangas lamang makikita kung kaya’t ito ay dinarayo.

Ang Taal Lake ay isa sa pinakakilalang lawa sa Pilipinas na matatagpuan din sa Batangas. Ito ang ikatlo sa pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang aktibong bulkan ng Taal ay makikita sa isang isla na nasa gitna ng lawa na tintatawag na Vulcano Island. Ang bulkan ang pinagmulan ng sulfur content ng lawa. May makikitang crater lake sa Volcano Island na nasa lawa.

Sinasabing ang Taal Lake ay dating bahagi ng Balayan Bay, ngunit pagkaraan ng maraming malalakas na pagputok ng bulkan noong 18th century, nagkaroon ng tulay na lupa na siyang naghiwalay sa pag-uugnay ng lawa. Dating tubig-alat ang Lawa ng Taal, subalit pagdaan ng maraming taon ang dating maalat na tubig ng lawa ay naging tubig-tabang.

Mula 1572, ang bulkang Taal ay pumutok na ng mahigit 34 na beses ayon sa kasaysayan, at ang pinakahuli ngang pagputok ay naganap noong  September 1965. Sa dami ng naulat na pagputok ng bulkan, maraming bayan sa paligid ng lawa ang lumubog . Sa ngayon, 3 bayan na lamang ang makikita sa Taal Lake.

Ang Taal Lake katulad rin ng dagat, maraming isda ang namamahay na dito lamang makikita. Ang pinakakilalang isda na dito lamang makikita ay ang “TAWILIS”.

Ang  “MALIPUTO” o Caranx ignobilis” (trevally) ay tanging sa Batangas din lamang makikita.  Sapagkat ang Taal Lake ay konektado sa Balayan Bay na tubig alat, sa pamamagitan ng Pansipit River Ang Talakitok ay nakakapasok sa Taal Lake na tinatawag naman na MALIPUTO. Sinasabing ang Talakitok at Maliputo ay iisa, lamang kapag ito ay nakapasok at lumaki sa Taal Lake nagkakaroon ng kaunting pagbabago sa itsura nito at napakalaki naman pagdating sa lasa nito, talagang napakasarap ng Maliputo kaysa sa Talakitok. Mayroong kapamilya ang Maliputo ito ay ang MUSLO na mas maliit at ang KARES naman na may may batik batik sa katawan. Ang Maliputo naman na may timabang na 10Kilos pataas ay tinatawag na SUMANGA.  Mag-ingat lamang sa mga bumibili ng Maliputo sapagkat marami ang namemeke nito. Sasabihin sa iyong Maliputo pero Talakitok pala, na kung hindi ka marunong tumingin ng pagkakaiba ng Maliputo at talakitok siguradong mapapabili ka. Siyempre mas mahal ang Maliputo sa Talakitok kaya tiba tiba sila. Kung gusto nyo talgang makatikim ng napakasarap at tunay na Maliputo, maraming mapgbibilhan nito sa bayan ng San Nicolas Batangas.

taalsnake

Ang Lake Taal Snake (Hydrophis semperi )ay makamandag sa lahat ng tubig-dagat na ahas. Ito ay nasasakop sa pamilya ng Elapidae, kung saan nasasaklaw ang kobra, kraits, coral snake, at dagat-ahas.

Dito din makikita ang Taal Lake Snake may scientific name na “Hydrophis semperi” na isa sa mga pinakamakamandag na tubig-ahas. At ayon sa pagaaral, ang kamandag ng dagat-ahas ay kilala sa pinakanakamamatay kumpara sa mga nasa lupa na ahas. Ito ay isa sa dalawang tinatawag na “true species” na tubig-ahas na makikita lamang sa tubig-tabang.

Dati’y makikita rin sa lawa ng taal ang mga dambuhalang  Bull shark o “Carcharhinus leucas”. Karaniwang matatagpuan ang

Bullshark

Sinasabing ang mga Bull Shark ay minsang naghari sa Lawa ng Taal. Ngunit dahil sa walang habas na pangingisda, ang mga Bull Sharks ay naglaho at hindi na makikita pa sa Lawa ng Taal

mga Bull Sharks sa mga baybaying hindi lalagpas sa 30 metro ang lalim. At ayon sa pagaaral ang mga Bull Sharks ay katangi-tanging. Ito’y dahil sa pamilya ng mga pating, ang Bull Shark laman ang may kakayahang manirahan sa mga tubig tabang. Noong 1930’s sinasabing ang mga Bull Shark ay naghari sa buong lawa ng taal. Subalit dahil sa walang habas na panghuhuli ng mga mangingisda, ang mga Bull Shark ay naglaho at napasama na lamang sa kasaysayan ng Taal.

Napakasarap isiping ang Batangas, o ang buong Pilipinas ay may mga mapangakit-turistang lugar gaya ng Taal. Subalit, sa kabilang banda nakalulungkot isiping hindi natin napangangalagaan ang mga ito.

Kagustuhan man natin o hindi, dapat malaman nating lahat na bawat isa sa atin ay may pananagutan. Pananagutan na kailangan nating gampanan. Hindi naman natin dapat iasa ang lahat sa Gobyerno o sa mga Ahensiyang involve sa environment protection. Dahil darating ang panahon ang mga ahensiyang ito ay mapapalitan, pero ang Taal Lake nasa Batangas padin. At sino paba ang makikinabang at dapat mangalaga ng mga ito? Siyempre mga hindi lamang mga Batangueño o mga anak ng Batangas. Lahat tayo involve dito lalo nat lumalaki ang suliranin ng climate change. At kapag ikaw, ako, tayong lahat ay hindi gumalaw ngayon. Wala ng Tawilis, wala ng Maliputong or worst wala ng Taal lake na makikita ang mga anak natin…

“Gawin mo kung ano ang kaya mong gawin ngayon. Lahat tayo ay kailangang kumilos at gawin ang nararapat. Isipin mo, iisang mundo lamang ang ating ginagalawan kaya’t nararapat lamang na ating pagkaingatan.”

Ang buwan ng Mayo ay pinagdiriwang ng buong Batangas bilang buwan ng mga bulaklak. Maraming bayan partikular na ang Calaca ang nagsasagawa ng pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen gabi-gabi. Dito sa bayan ang bawat miyembro ng barangay ay nagkakaisa upang maipagpatuloy ang nasimulang tradisyon.

Tuklong

Bawat barangay ang naghahanda ng kani-kanilang "Tuklong" o pansamantalang kapilya para sa mga gaganaping pagaalay

Ang bawat barangay ay nagpapatayo ng kani-kanilang “tuklong”o pansamantalang kapilya para sa gabi-gabing kasayahan. Pumipili ang mga nakatatanda sa kanilng barangay ng magiging hermana o hermano. Ang hermano ang siyang punong abala sa pagpapatayo ng tuklong, siya rin ang nagpapakain sa mga taong gumagawa dito. Ang mga kalalakihan ay nagbabayanihan sa paggawa ng tuklong. Ang tuklong ay nilalagyan ng bubong na yari sa tuyong dahon ng buko at ang mga upuan at haligi ay maaaring yari sa kawayan. Ang mga kababaihan naman ang siyang nag-aayos ng altar kung saan ilalagak ng isang buwan ang Mahal na Birhen para sa pagdiriwang. Ang altar naman ay maaari ding yari sa yero o tuyong dayami.  Ang altar ay nilalagyan ng iba’t ibang disenyo na magbibigay giliw sa mga panauhin. Nilalagyan din ito ng iba’t ibang bulaklak at mga kandila tuwing gabi kapag umpisa na ang pagdarasal. May mga naglalakihang ilaw din na magbibigay liwanag tuwing gabi.

Bago mag-umpisa ang alayan ang mga kadalagahan ay naglilinis sa harap ng altar at nagtatanggal ng mga tuyong bulaklak. Ang mga binata naman ay nagaayos ng sound system para marinig ng buong barangay ang pagdarasal ng rosaryo at marinig ang hudyat ng bell.

Ang mga nakatatanda ay naghahanap ng  “aalay” araw-araw.  Gabi-gabi, ang mga matatanda kasama ng

Hermano at Hermana Mayor

Pumipili ang mga nakatatanda sa kanilng barangay ng magiging hermana o hermano bilang pulong abala sa pagpapagawa ng mga tuklong at pagpapakain sa mga tao

ilang kababaihan ay ngdarasal ng rosaryo upang pasimulan ang alayan. Ang ibang kalalakihan naman ang siyang umaawit ng mga awitin para kay Maria. Ang malalakas na tunog ng bell ang siyang naghuhudyat para sa mga kabataan na umpisa na ang alayan.  Halos lahat ng bata sa barangay ay maaaring “dumama” o mag-alay ng bulaklak sa Mahal na Birhen. Buong gabi ay maririnig ang awitin na sinasabayan din ng mga bata. May ilang bata naman ang nagbibitbit ng basket na may mga ginupit-gupit na bulaklak  at dahon bilang pagbibigay-giliw sa mga dumadama at sa birhen. Ang “alay” naman sa araw na iyon ang siyng pinakahuling nag-aalay ng bulaklak sa altar. Ang pamilya ng “alay” ay ngpapasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga batang dumama, sa mga mandarasal at sa mga umaawit at gitarista. Ang bawat isa ay umuuwing may baong pagkain at may ngiti sa labi.

Sa pagtatapos ng buong buwan, ang bawat barangay naman ay ngsasagawa ng Santacruzan. Ang mga matatanda at hermano ay pumipili ng mga magagandang babae sa barangay o maging sa karatig-bayan upang sumagala o sumama sa prusisyon. Pumipili din sila ng mga matitipunong lalaki na magiging konsorte ng babae. Ang mga babae ay nagsusuot ng mga magagandang damit o gown at ang mga lalaki ay ngsusuot ng mga magarang barong.

Santacruzan

Ang mga matatanda at hermano ay pumipili ng mga magagandang babae at matitipunong lalaki sa barangay o maging sa karatig-bayan upang sumagala o sumama sa prusisyon

Ang hermano ay siyang nagaasikaso ng gagamiting banda sa prusisyon. Siya rin ay tumutulong sa paggawa ng arko at pagaayos sa Mahal na Birhen. Ang Birhen na sinasama sa prusisyon ay sinusuotan ng magandang damit o kapa. Ang kanyang sasakyan naman ay napapalibutan ng magagandang bulaklak at malalaking ilaw. Ang mga bata naman ay may hawak na kandila o ilaw na siyang nagsisilbing liwanag sa gabi sa mga dalagang sumasagala. Ang Santacruzan ay lumilibot sa buong barangay kasama ang Reyna Elena at Reyna Emperatriz.  Sa pagtatapos ng pagdiriwang ang hermano ang siyang nagbibigay ng pagkain sa mga taong sumama sa prusisyon.

Ang Batangas ay matatagpuan sa Timog-Hilagang bahagi ng Luzon at kabilang sa CALABARZON Region. Ang probinsiya ng Batangas ay binubuo ng 31 municipalities at 3 siyudad. Kilala ang Batangas sa mga pamosong beaches at dive spots na talaga namang dinarayo ng mga turista at mga Manilenyo. Maliban sa mga pamosong karagatan, kilala rin ang Batangas sa mga pagdiriwang tulad ng Piyesta at mga Okasyong  nilalahukan ng ibat ibang bayan dahil sa pagiging makulay, maingay  at higit sa lahat nakapagbibigay ng aliw at saya. Ilan sa mga kilalang Fiesta na kinikilala hindi lamang sa Batangas, pati na rin sa mga karatig siyudad ay ang mga sumusunod…

Parada ng mga Lechon

Parada ng Lechon

Parada ng mga Lechon (Balayan Batangas)

Ipinagdiriwang ang  “Parada ng Lechon”  kasabay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Bautista. Ito ang patron ng bayan ng Balayan. Ito ay ginaganap tuwing Hunyo 24 kada taon. Ang bawat barangay dito ay nagdadala ng kani-kaniyang lechon para iparada sa buong bayan ng Balayan. Ang mga lechon ay sinusuotan o pinapalamutian ng iba’t ibang disenyo na angkop sa tema ng piyesta. Pagkatapos ng parada, pinagsasaluhan ng buong bayan ang mga lechong kanilang pinarada.

Subli-an sa Batangas

Subli-an Festival

Subli-an Festival (Bauan, Batangas)

Ito ay ginaganap tuwing 23 ng Hulyo. Ito ay orihinal na nagumpisa bilang debosyon sa Banal na Krus. Nang magtagal, ito ay naging isang uri ng sayaw na mas kilala bilang “Subli”. Ito ay sayaw na nagmula sa Batangas. Ang Subli ay sinasayaw sa saliw ng musika na may apat (4) na uri: ang unang uri  ay inaawit ng isang mang-aawit;   ang ikalawa ay nagbibigay pugay sa Banal na Krus ng Bauan at nagsasalaysay ng pinagmulan ng Batangas; ang ikatlo ay ang mismong “Subli”  na may kasamang tula, sayaw at awit; samantalang ang ikaapat naman ay tumatalakay  sa buhay ng may-akda sa kanyang paghahanap ng kanyang kaganapan.

Ang Subli ay isang uri ng kultura na tumutukoy sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan na nilapatan ng musika upang kapulutan ng aral.  Ito ay isang tradisyong kinagisnan ng mga Batangueño na naging isang ganap na pista kung saan ang mga mamamayan ay sama-samang nag-aalay ng sayaw sa buong bayan ng Bauan, Batangas bilang paggunita ng kanilang araw ng pagkakakilanlan.

Tapusan Festival

Tapusan Festival

Tapusan Festival (Alitagtag, Batangas)

Ang tapusan ay ginaganap bilang pagpupugay sa Banal na Krus.  Ito ay isang buong araw ng selebrasyon tuwing unang araw ng Mayo sa ganap na ika-7:00 ng umaga.  Nag-aalay ng mga naggagandahang bulaklak sa paanan ng krus sa simbahan tuwing hapon pagkatapos ng bawat misa.  Ang pinakamasayang araw ng paggunita nito ay tuwing huling araw ng Mayo kung saan nagdaraos ng isang makulay na prusisyon ang mga mamamayan sa buong nayon.  Ang Banal na Krus ay inilalagay sa isang napakagandang karosa kasama ng iba pang karosang may magaganda at sari-saring dekorasyon sakay ang iba’t ibang imahe ng Mahal na Birheng Maria. Ito ay ginagawa sa Alitagtag, Batangas.

Tinapay Festival

Tinapay Festival

Tinapay Festival (Cuenca, Batangas)

Ito ay ginaganap taun-taon mula Pebrero 7 hanggang 13 sa Cuenca, Batangas.  Ito ay ginagawa para pasalamatan ang mga panadero o manggagawa ng tinapay sa probinsya para sa kanilang mahusay na paggawa ng mga tinapay. Karamihan kasi dito ay may negosyong bakery o panaderya. Kasabay nito, binibigyang parangal ang patron ng Cuenca na “Our Lady of Peace and Good Voyage” para sa pasasalamat sa masaganang pamumuhay ng buong bayan. Ang pinakamalaki at pinakamahabang tinapay ay may iba’t ibang hugis at anyo. Ang mga likha ng mga taga-Cuenca ay ipinaparada sa pangunahing daan ng kanilang bayan. Pagkatapos ng parada, ang lahat ng dumalo ay iniimbitahang kumain ng iba’t ibang uri ng tinapay na kanilang magustuhan. Kaya ang Cuenca, Batangas ay tinaguriang “Home of the Bakers.

Pagoda sa Ilog ng Pansipit (Fluvial Procession at Pansipit River)

Pagoda sa Ilog ng Pansipit

Pagoda sa Ilog ng Pansipit (Taal, Batangas)

Ang pagoda ng Taal Batangas ay ginaganap taun-taon tuwing Disyembre 8 at 9. Ito ay 2 araw na pagdiriwang ng buong bayan. Ang hermano mayor o committee heads ang nangunguna sa preparasyon ng taunang pista. Bawat taon, namimili sila ng magiging hermano na kilala at respetado sa bayn ng Taal. Ito ang namumuno ng selebrasyon.

Ang pagdiriwang ay naguumpisa sa 9 na araw na nobena na nagtatapos ng Disyembre 7. Ang araw ng selebrasyon ay Disyembre 8, kapistahan ng Immaculate Conception. Ang misa ay nagaganap sa simbahan ng Birhen ng Caysasay sa Labac. Pagkatapos ng misa, pagbibinyag at pagkukumpil ay nagaganap bilang tradisyon ng maraming bayan sa Batangas.

Ang prusisyon ay naguumpisa pagkatapos ng misa sa hapon sa ganap na 4:00. Ang imahe ng Birhen ng Caysasay ay iniikot sa mga baryon g Labac, Tatlong Maria at Seiran. Bawat baryo na dinadaanan isang “luwa” ang nagaganap. Ang “luwa” ay isang tula para sa Birheng Maria.

Ang pagoda ay naguumpisa kapag ang imahe ng Birheng Maria ay dinala na sa ilog ng Pansipit. Ang mga taumbayan ay sumasakay sa mga Bangka. Ang imahe ng Birhen ng Caysasay ay dala-dala ng mga deboto sa pagoda. Sila ay sakay ng mag Bangka na pinalibutan ng mga bulaklak. Ang prusisyon sa tubig ay nagtatapos sa Nagpuloc.

Sa Nagpuloc, ang Birhen ay ililipat sa naghihintay na karosa. Ang prusisyon ay papunta sa pangunahing kalsada ng Taal kasama ang musiko habang nagdarasal ang mga deboto. Ang mga kabataan na kabilang sa parada  ay nakasuot ng barong at saya na siyang nagtatangan ng ilaw. Sa pagtatapos ng prusisyon makukulay na paputok  ay makikita sa kalangitan.

Sa simbahan, ang hermano ang nagbibitbit sa Birheng Maria patungo sa altar. Ang mga deboto naman ay nagsasagawa ng Rosary vigil at mga awit hanggang magumpisa ang misa kinabukasan.

Ang buong munisipyo ay napupuno ng mga tao, doon ay may nakahandang programa at presentasyon na inihanda ng mga komite. Pagsapit ng Disyembre 9, tuloy pa rin ang pista kung saan ang buong baryo ay imbitado na dumalaw at kumain sa bawat bahay.

Tinapahan Festival

Tinapahan Festival

Tinapahan Festival (Lemery, Batangas)

Ang Tinapa Festival ay ginaganap sa Lemery, Batangas tuwing 14 ng Mayo. Ito ay ginaganap taun-taon hindi lamang para pasalamatan ang tinapahan na siyang pangunahing negosyo sa lemery kundi upang palaganapin ang turismo sa Batangas. Ito ay tatlong araw na pagdiriwang,na nagpapakita ng iba’t ibang paraan ng food processing, lectures sa livestock raising, trade fair ng iba’t ibang produktong agro-industrial  at may food demo competition pa.

Tuwing piyesta, ang mga komite ay nagsasagawa ng group dancing competition at street pageant. Ito ay pumaparada sa buong bayan ng Lemery. Ang bawat kalahok ay gumagawa ng makukulay na dekorasyon na sumasalamin sa negosyong tinapahan tulad ng bilao, mga isda, basket at mga kawayan.

Kabakahan Festival

Kabakahan Festival

Kabakahan Festival (Padre Garcia, Batangas)

Ang Kabakahan Festival ay sineselebra tuwing anibersaryo ng Padre Garcia, Batangas. Ito ay mas kilala bilang “Cattle Trading Capital of the Philippines.”

Ang isa sa mga tinatangkilik dito ay ang “Rodeo Ala Graciano”. Maraming turista at iba’t ibang kalahok ang dumarayo dito. Dito ang mga kalahok ay nagpapakita ng galing sa iba’t ibang hayop.

Sinukmani Festival

Tuwing Hunyo 9, ang Sinukmani Festival ay ginaganap sa Rosario, Batangas. Ang Rosario ang siyang tinaguriang “Rice Granary of Batangas” kaya ang pagdiriwang ay hango sa bigas. May 48 barangay ang Rosario, lahat sila sa pamumuno ng opisyal ng kanilang barangay ay lumalahok sa taunang pagtitipon.

May street dance competition na siyang pinakaaabangan ng lahat. Lahat ng mga kalahok ay nakasuot ng mga kasuotang yari sa bilao at banig, mga gamit sa

Sinukmani Festival

Sinukmani Festival (Rosario, Batangas)

paggawa ng sinukmani. Ang mga kalahok ay pawang mga estudyante ng iba’t ibang barangay.

Ang katakamtakam na paligsahan ng pinakmahabang sinukmani ay isa rin sa pinapanoodng mga tao. Ang sinukmani ay pinagsama-samang gata ng niyog, asukal at malagkit na bigas. Ito ay maaari ding lagyan ng latik sa ibabaw, dinurog na mani, at ginadgad na buko. Ang barangay na may pinakamahabang sinukmani ang siyang magwawagi.

Sigpawan Festival

Sinagpawan Festival

Sinagpawan Festival (Lemery, Batangas)

Ang bayan ng Lemery sa Batangas ay nagdiriwang ng Sigpawan Festival tuwing Abril 8. Dito naipapamalas nila ang kanilang agro-torismo.

Ang pagdiriwang ay nagpapakita ng mayamang kultura at likas na yaman ng Lemery. Ipinapakita din ang iba’t ibang produktong agrikultural, at ang pinakasikat na sinaing na tulingan.

Ang Lemery Batangas Development Foundation Inc. at ang tourism office ng munisipyo ang nangangasiwa ng pagtitipon.Ang isang araw na pagtitipon ay nagsisimula sa isang misa na sinusundan ng prusisyon sa dagat patungo sa daungan.

May street dancing na pinapanood ng lahat. Ang lahat ng kalahok ay nagsusuot ng makukulay na kasuotan na gamit ang sigpaw. Ang Sigpaw ay isang maliit na lambat na may hawakan na ginagamit ng mga mangingisda sa panghuhuli ng isda at hipon sa mga dalampasigan. Ginagamit din ito ng mga magsasaka sa pagpitas ng mga prutas sa puno.

CalacAtchara Festival

Calacachara Festival

Calacachara Festival (Calaca, Batangas)

Ang Atchara Festival ay pinagdiriwang tuwing buwan ng Oktubre. Tuwing Oktubre 24 pinagdiriwang din ng bayan ng Calaca ang kanilang patron na si San Raphael Archangel.

Sa CalaAtchara Festival maraming paligsahan ang ginagawa. Isa na rito ay ang Drum and Lyre Exhibition na sinasalihan ng mga estudyante mula elementraya at high school. Mayroon ding Agri Fair na nagpapakita ng mga bagong pananim. May paligsahan din sa mga natatanging barangay . Mayroon ding Binibining Calaca na nilalahukan ng mga naggagandahang Calaqueñas.Isama pa ang paligsahan sa pagluluto ng masarap na atchara. Meron ding labanan sa modern dance Ang lahat ng ito ay sinasalihan ng bawat barangay sa Calaca.

Ang atchara ay maaring gawa sa ubod ng niyog, papaya, labong at maaring ring gawa sa ampalaya.

Anihan Festival

Ang bayan ng Lobo sa Batangas ay nagdiriwang ng kanilang Anihan Festival tuwing Setyembre, mula 24-hanggang 29. Ipinakikita sa pagdiriwang na ito ang makulay na sining na nagbibigay sigla sa bayan.  Noong taong 2009, idinaos ng mgataga-Lobo ang ika-133 anibersaryo ng kanilang bayan at ang ika-5 taon ng Anihan Festival.

Ayon sa mga mamamayan ng Lobo, ang pistang ito ay ginaganap taun-taon upang magpasalamat sa masaganang ani pati na rin ibahagi ang mayamang kultura, kahusayan at kababaang-loob  ng mga Taga-Lobo.

May parada sa lansangan at paligsahan sa pagsasayaw na siyang inaabangan ng lahat. Ang mga kalahok ay nagsusuot ng mga makukulay at naggagandahang kasuotan. Dito ipinakikita ang kanilang mga ani, tulad ng atis, sampalok, bigas, buli, mais at pinatuyong balat ng puno at mga kabibe.

Ang pagdiriwang ay pagbibigay parangal din sa patron ng bayan ng Lobo si San Michael de Arkanghel. At isang pagoda o fluvial parade ang isinasagawa sa Lobo Bay na siyang nagbibigay hudyat sa pagtatapos ng selebrasyon..

Coffee Festival

Coffee Festival

Coffee Festival (Lipa City, Batangas)

Ang Coffee Festival ay ipinagdiriwang sa Lipa City, Batangas. Ito ay ginaganap mula Disyembre 11 hanggang  16. Dito ipinapakita na ang Lipa ang tinaguriang “Coffee Granary of the Philippines. Ipinagmamalaki ng buong Lipa ang kapeng barako na siyang pangunahing produkto ng bayan. Sa kanilang pagdiriwang makikita ang isang trade fair, tiangge, mga palaro, “Karera ng Tibutrin,” at Search for Barako ng Bayan.

Ang kapeng barako ay may matapang na lasa at amoy kaya ito ay tinaguriang Barako na ang ibig sabihin ay matapang.

Kinulob Festival

Kinulob Festival

Kinulob Festival (Mabini, Batangas)

Ang mga taga-Mabini, Batangas ay nagdaraos ng taunang Kinulob Festival tuwing ika-16 ng Mayo.Ipinamamalas ng pagdiriwang na ito ang kanilang pangunahing pangkabuhayan ang manukan at iba pang produktong galing dito. Ito ay taunang isinasagawa para ipakita ang kanilang nakagisnang tradisyon pati na ang pasasalamat sa mga taong nagmamanukan.

Ang mga Tagalog na  manok o native ay niluluto sa iba’t ibang paraan tulad ng adobo, tinola, inihaw nilaga, at ang pinakapaborito ng marami ay ang lutong kinulob. Dito halaw ang kanilng pagdiriwang. Ang kinulob ay niluluto sa pamamagitan ng paglalagay ng manok sa isang nakaselyadong lalagyan at niluluto sa nagbabagang apoy.

Ang bawat barangay ay nag-eensayo ng kani-kaniyang kalahok sa paligsahan. Ang mga kasali sa street dancing ay nakasuot ng mga costume na nagpapakita ng kanilng kabuhayan, ang manukan. Ang mga ito ay makukulay at naggagandahan na nagbibigay giliw sa mga manonood. Bawat isang kalahok ay may ngiti sa labing nagpapamalas ng kanilng kakayahan.

Mayroon ding parada ng mga kinulob na manok. Sinusuotan nila ito ng iba’t ibang kasuotan at pinapalamutian na nagpapasaya sa mga taga-Mabini.  Maliban sa parada, meron ding iba’t ibang lutong kinulob na manok  sa paligid na maaaring tikman ng kahit sino.

Paskuhan sa Maraykit

Ang Paskuhan sa Maraykit ay ipinagdiriwang ng mga taga-San Juan, Batangas tuwing ika-2 ng Disyembre.  Ito ay taunang selebrasyon na nagpapakita ng kultura ng buong San Juan. May paligsahan ding nagaganap tuwing ipagdiriwang ito tulad ng “juego de anillo,” paligsahan sa paggawa ng parol. Namimili din sila ng pinakamaganda at pinakamaayos na bahay sa buong San Juan na kanilang pinaparangalan.

Salubong  (Holy Cross Festival)

Ang Holy Cross Festival ay ginaganap sa mga bayan ng Bauan at Alitagtag tuwing ika-16 ng Abril. Ipinapakita dito ang pagsalubong ng Banal na Krus ng Bauan at ang Banal na Krus ng Alitagtag sa Binukalan Shrine sa ganap na 8 ng umaga. Ang selebrasyon ay may iba’t ibang programa at mayroon  ding mga awitin na papuri sa Banal na Krus na sinasaliwan ng street dancing. Pagdating ng alas 2 ng hapon, ang Banal na Krus ng Bauan ay ibinabalik sa Simbahan ng Bauan upang doon ay bigyan siyang kasiyahan.

Lambayok Festival

Lambayok Festival

Lambayok Festival (San Juan, Batangas)

Ang Lambayok Festival  ay ginaganap tuwing buwan ng Disyembre ng mga taga-San Juan, Batangas.Sa selebrasyong ito pinapakita ang mga pangunahing pangkabuhayan ng mga taga-San Juan. Ang lambanog, ang paggawa ng mga palayok at ang pagdami ng bilang ng mga resort ang tatlo sa kanila. Ang kanilang selebrasyon ay nagpapamalas ng kanilang kultura, pagiging malikhain, at pagiging matiyaga.

Ang lambanog ay kilala bilang inumin ng mga kalalakihan na nakukuha sa niyog. Ito rin ang pinakamurang inumin dahil sa proseso ng paggawa nito. Ang sayawan na kanilang ipinapakita ay tinatawag na “tagayan,” ito ay isang salin-lahi. Ang street dancing ay nagpapamalas ng pagigingmalikhain ng mga taga-San Juan. Ang mga makukulay at naggagandahang kasuotan ay halaw sa mga gmit na nakukuha sa puno ng niyog. Ang mga float ay tinatawag na “Lambanugan” kung saan ipinapakita ang iba’t ibang produkto na makukuha sa puno ng niyog at kung paano ginagawa ang lambanog.  Ito ay mga paligsahan na makikita sa kanilng pagdiriwang ng Lambanog Festival.

Ang mga mananayaw ay nagsusuot ng damit bilang mangangarit. Ang “mangangarit” ay ang mga trabahador na umaakyat ng puno tuwing hapon upang mangolekta ng mga katas ng niyog. Sa umaga, ang mga ito ay nagging tuba at sa kalaunan ng proseso ay nagiging lambanog. Ang negosyo ng lambanog ay nakikilala na sa iba’t ibang parte ng Batangas maging sa buong Pilipinas. At ngayon ito ay mabibili na sa iba’t ibang flavor tulad ng manga, blueberry, bubble gum, cinnamon at iba pa.

Alah-Eh! Pagkasarap!

Mga Pagkain at Lutuing Batangas

Madalas kaming umuwi ng batangas lalo na kapag fiesta o kaya naman ay may okasyon. Si misis kasi ay tubong Batangas. Ang pamilya nila ay nag-ugat sa Calaca Batangas. Halos dun na din sila lumaki at lumipat lamang ng madestino ang kanilang ama sa Maynila. Masasabi kong ang kanilang lugar ang isa sa pinakamalinis, tahimik at napakaayos na kumunidad sa Batangas.

Kung meron akong nakahiligan at pinakanagustuhan sa Batangas (bukod siyempre kay misis), ito ay yung mga lutong pagkain na talaga namang pagkasasarap.

Batangas Beef Tapa

Batangas Beef Tapa

Umpisahan natin sa almusal. Eto ang talagang Da Best! Ang pinagmamalaking BATANGAS BEEF TAPA with roasted KAPENG BARAKO on the side. Sino ba naman ang hindi magigising sa umaga kapag naamoy ninyo ang aroma kasabay ng pagkalansing ng kutsaritang humahalo sa isang tasang kapeng barako. Sabayan pa natin ng napakasarap na Batangas Beef Tapa with sunny side-up egg, tomatoes and pipino on the side.

Number 1 Ulam naman para sa ating tanghalian na pwede din sa anumang okasyon ang GINATAANG TULINGAN sa KALAMYAS na specialty rin ng father-in-law ko. Ang masasabi ko lang dito amoy palang busog kana. Lalo na kapag nagmamantika na yung sabaw dahil sa gata, Yummy! Minsan hinahaluan nya din ito ng ginger powder kung tawagin (Ito yung yellowish na parang pulbos, mabibili to sa mga palengke). Nagmumukhang curry yung ginataan pero siyempre mas sumasarap. At ang maganda sa ulam na ito, bukod sa masarap na, masustansiya pa at higit sa lahat abot kaya.

Ginataang Tulingan sa Kalamyas

Ginataang Tulingan sa Kalamyas

Sumunod naman ay ang kilalang BULALONG BATANGAS. Masarap ang nilagang baka sa batangas lalu na yung ibinebenta sa tagaytay. Siguradong sariwa ang karne at pinalambot ng husto. sabaw pa lang ulam na. Di ko nakakalimutang bumili at kumain nito bago bumaba ng Tagaytay. Nagutom tuloy ako, hahaha.

Eto pa pala ang isang natikman ko. PALAGITIK NA ADOBO SA GATANG MANOK NA TAGALOG. Super sa sarap to, mag,aadobo k muna ng manok,konti lang ang sabaw, then, intayin mong maiga, ibuhos mo n ung gata pag ok n, wait until maiga at kumapit n ung gata s laman, kapag lumalagitik n, niluluto n un s mantika ng gata, wala ng sbaw to, prang prito n lang, puro ung lasa, Wow! Ire ang Yummy!

At sino ba naman ang makakalimot sa specialty ng Calaca Batangas? Ano pa nga ba kundi ang pinagmamalaking world renown ACHARANG CALACA. Meron pa ngang Calacahara festival na pinagdiriwang tuwing ika 15-24 ng Oktubre. Mahigit isang lingong kasiyahan na nilalahukan ng ibat ibang barangay at schools sa Calaca. Sa paraang ito mo makikita ang pagkakaisa ng mga Batangueño’s.

Kalamay

Kalamay

Meryenda naman tayo or pwede ding panghimagas. Karaniwan sa mga fiestahan maraming nabibiling ganito. Sa mga simbahan makikitang pumupwesto ang mga nagtitinda nito, ano pa nga ba ang tinutukoy ko? Siyempre ang pinagmamalaking KALAMAY ng Rosario. Talaga namang mouth watering ang kalamay na to. Lalo na yung sandamukal ang latik sa ibabaw. Naguunahan pa nga kami ng mga pamangkin ni misis dun sa may pinakamadaming latik sa ibabaw.

Kung sumasakay ka naman sa commercial bus from Batangas, malamang isa ka sa mga napagbilhan ng sweet delicacy na ito. Ito yung EMELDA SWEET TAMARIND, madalas ito yung naka box na white na inaalok ng mga tinderang umaakyat sa bus. Kaunting kaalaman mula sa  www.agribusinessweek.com.

The year was 1967. Emelda Garcia, now the owner and the proprietor of the business-running from one generation to the other, described

Sweet Tamarind

Sweet Tamarind

how the brand name “Emelda’s Sweet Tamarind” all started: “Matagal na `tong business na `to. Nag-stop sya nung 1984 kasi wala nang tumutulong sa nanay ko nun. Sa bahay lang namin ginagawa lahat. Then, mag nag-kinder na yung eldest ko, we decided to cook something no pinatikim nya sa mga kaklase nya. ‘Di nagtagal, umoorder na mga tao sa kanya. Hinahanap-hanap na nila `yung sampalok. Ipapadala daw sa mga kamag-anak nila. And everything else, as we all know, is history. And history din kung pano ko kinain ang tatlong box nito (hehehe).

ALA-EH! Ako man ay hindi purong Batangueño or taga-Batangas, pero sa isip, sa salita at sa laman ng tiyan, ako ay isang Batangueño. Di man ninyo ako kasing TAPANG, ako naman ay malakas LUMAPANG. Kung may mga nakalimutan pa po ako o may mga karagadagang mensahe maari po kayong mag-iwan dine’ ng komento.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.