Hindi ako mahilig manood ng mga reality shows gaya ng mga singing at ng iba pang talent search contests. Mas madalas kasi na pinapanood ko yung mga temang madudugo, bakbakan at kung ano-ano pang walang kwentang shows na puro bentahan ng walang kwentang gamit ang napapanood. Pero nakahatak ng pansin sa akin ang bagong Youtube Sensation na si Jovit Baldivino ng Pilipinas Got Talent na ine-ere sa Kapamilya Channel tuwing Sabado at Linggo (weekdays ata meron na ding replay). Habang isinusulat ko ang blogpost na ito, ang video niya sa youtube kung saan siya sumikat ng husto ay mayroon nang 3,898,143 hits at pimipitik-pitik pa (pero tinangal na ata ng kung sinog KJ). Hindi ko naman talaga papansin ang isang ito kung hindi rin lang siya taga-Batangas. Siyempre pag taga-alaeh, siguradong talented hindi ga?
At ngayon ngang nakaraang Linggo, muli tayong pinahanga ng isang Jovit Baldivino. Siya ang kauna-unahang finalist ng Pilipinas Got Talent 2010. Siya rin ang kauna-unahang contestant na binigyan ng full-standing ovation ng mga manonood at higit sa lahat ng mga hurado dahil sa kanyang magandang rendition ng kantang Carrie na pinasikat ng bandang Europe. Ang sabi pa nga ni Kris Aquino “Ikaw ang male version ni Charice Pempenco ahahaa…”.
Ang first batch ng semi-finalists ay idinaan sa text votes at online voting ang labanan, kung kaya naman masasabi nating naging fair ang labanan ng anim na semi finalists na kinabibilangan nina Ruther Urquia ng Luzon, Jhistine and Filemon Baguio, the Snap Boiz ng Visayas, Xavier University Cultural Dance Troupe at si Rolando Permangil of Mindanao.
Sa anim na naglaban laban, nakakuha si Jovit ng mahigit 80% ng kabuuang boto kaya naman siya ang automatikong pumasok sa grand finals. Pumangalawa si Ruther Urquia na naglabas pa ng extra puppet na ikinatuwa ng judges. Pero kung ako ang tatanungin mas naaliw ako sa Snap Boiz dahil bukod sa madugo at medyo may bakbakan ang kanilang pagsayaw mas higit na kinaaliwan ko ang kanilang pagiging madumi. Gusto ko kasi ang madudumi. Masarap ang madumi tulad ng mga nabibiling pagkain sa kalye. Kaya lang hindi sila taga Batangas saka niloko nila ang taumbayan dahil sa pagkakaroon ng snow sa Pinas. Kaya kay Jovit padin ako, Go! Jovit! Nakakatuwa kasi itong si Jovit sapagkat bukod sa kanyang talent at Fansclub, napakahumble rin ng batang ito.
Suportahan po nating muli si Jovit Baldivino sa kanyang mga darating na laban, upang ng sa gayon, ang hiranging kaunaunahang Pilipinas Got Talent Champion ay Proudly Alaeh-Made…

Super galing mo Jovit B. sa pagkanta. Habang pinapanood ko siya sa TFC channel, hindi siya nakakasawang panoorin. At makikita mo sa kanya na totoong tao ka. MABUHAY KA !!!
ang pagkakagaling ng kapatid ko na yan…ay tunay ka naman..nakakapamalukag eh…pag-uwi ko baka ilibre na nya ako ng paborito namin, yung lomi. ikaw ga’y sasama, ha? sama ikaw, hayaan mo at yayakagin ka namin.
sige sama ako hahaha… mahilig din ako sa lomi…
hindi ko napanood ang aktwal na show pero sa youtube video na ito, hangang-hanga ako sa galing niyang kumanta.
tama si kris, male version siya ni charice…
malayo ang mararating ng talented ala-ehng ito…
totoo magaling xa..
kksad lng kc hnd q nppnuod ung pil got talent plge e kc sa oras. o wel chek q nlng sa youtube.
gndang araw!
to mumbaki21: ala lang… kaw pla nagsusulat dine… ahaha… pa lomi k namn tsongkebenj…
uu ba… tara punta tayo ng Tagaytay mamayang lunch…
that guy is awesome!
i just dont like the comment of kris na wag daw mag jacket at magkulay ng buhok. eh sira pala sya e, kaya nga sya nag ganun kasi binagay lang niya sa kanta nya. di sya pede mag polo sa type of song na yun.
minsan hindi talaga nag-iisip ang mga judge. nevertheless ang importante pasok sya.
Sabagay may point ka dun. Nung time na sinabi ni Kris Aquino yun naisip ko nalang siguro gusto nilang clean ang image ni Jovit. Hindi nila tiningnan ang pagaangkop ng kasuotan sa performing artist. Anyway yeah tama ka, ang mas mahalaga nakapasok siya sa FINALS…
wow…i like it..congrats jovit.!!sana
ikaw ang manalo
Batangueno rin ako! sana manalo si Jovit ..The best!
kasa kasama ni Ate Vi ah sa kampanya dati..ngayong nanalo si ate Vi, sigurado magchachampion yun sa PGT..
hanga ako sa kantang ipinakita ni jovit…..sana ipagpatuloy mo ang galing mo sa pag kanta ….
congratz! panalo si Jovit!
mabuhay!