Noong maliliit pa kaming magkakapatid, hate na hate namin ang ampalaya o bitter gourd. Kahit na anong klaseng luto ay hindi talaga ma-take ng aming sikmura ang mapait na lasa nito. Tuwing magluluto si tatay ng ampalaya ay bantay-sarado ang aming ina sa hapag habang kami ay kumakain.
Nang minsan akong umuwi kasama ng pamilya ng aking asawa sa bayan na kinalakihan ng aking father-in-law ay nakilala at natikman ko ang atcharang ampalaya. Ang Calaca, Batangas ang aking tinutukoy. Atchara ang kanilang pangunahing produkto. Iba’t ibang atchara ang matitikman dito tulad ng papaya, labong at syempre ang paborito kong ampalaya. Dahil sa mataas na demand ng atchara sa bayang ito kaya isinilang ang CALACATCHARA FESTIVAL. Ang festival na ito ay hindi lamang pagpapasalamat sa kanilang produktong atchara kundi na rin sa pagbibigay-puri sa kanilang patrong si San Raphael.
Balik tayo sa atchara, ang mga tindang atchara sa tindahan nina Aling Conching (may-ari ng tindahan) kami laging bumibili tuwing kami ay bumibisita sa Calaca.(Sana ay hindi siya magalit kapag nabasa nya ito). Ang kanilang mga atchara ay talaga namang ubod ng sarap. Pwede itong isabay sa kanin partner ang pritong isda o kaya nama’y karne. Kung minsan naman ginagawa ko itong ulam. Hehehe.. Sarap talaga. Ang isang pangkaraniwang bote na aming binibili ay nauubos ko lamang sa isang kainan. Hahaha. Ang kanilang tindahan ay naglagay na rin ng atchara sa pouch dahil sa hiling ng marami nilang buyers. Karamihan kasi sa kanilang customers ay dinadala ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang lugar. At sa tuwing may bakasyonistang galing sa ibang bansa ang bumibisita sa amin, ang atchara nila ang lagi ibinibigay ng aking mother-in-law.
Hindi ko alam kung paano nila ginagawa ang kanilang mga atchara. Alam ko ring may secret recipe sila dito. Ang malutong na ampalaya at ang timpla nito, masasabi kong ito ang pinaka the best na atcharang natikman ko. Daig pa nito ang ilan sa mga atcharang natikman ko na sa ibang restaurant.
Another special product PROUDLY ALAH-EH MADE!

wahhh hanggang nagyon hindi pa rin ako nahihilig sa ampalaya. pero napakain na rin ako niyan mga grade five ako. hehehe
though i’m not interested to eat the food, i’m proud with aling conching kasi na-expand at innovative siya sa kanyang business. natutuwa ako sa mga ganuang klaseng entrepreneur yung ginagamit ang kakayahan at yung kultura natin.
mabuhay! i think magpapasalamatpa siya sa iyo for free promotion .
Hahaha sana lang nababasa niya tong blogs na ito upang ng sa gayon mabayaran niya ako ng AF. hahaha… Try mo minsan tong achara walang pait, manamis namis pa nga dahil siguro sa paraan ng pagluluto nito… Yaan mo pag nakauwi ulit kami padadalhan kita ng isang garapong Atcharang Amplaya thru e-Mail..
panu ba gawin yan?
gamitin ko product sa feasibility study nAMen sa skol..
gusto kasi ng prof namen kakaiba ang product..
sa manila ako napasok kya hindi ganu alam yan en…salamat kabayan..