Marian Orchard EntranceNgayong nalalapit na ang Mahal na Araw, marami sa ating mga pinoy ang excited. Hindi lamang sapagkat may kanya kanya tayong mga panata, dahil sa wakas isa na namang mahabang bakasyon. At  sino ba naman ang hindi maeexcite? Sa buong taon minsan lamang magkaroon ng ganito kahabang legal holiday. Malamang marami sa ating mga pinoy ang nakapaglatag na ng mga gagawin at itinerary para sa darating na pista opisyal.

Mahigit 73 Million ang katoliko sa ating bansa. Sa katunayan ang Pilipinas ang bansang may pinakamalaking populasyon ng katoliko sa buong Asya. Likas na sa ating mga Pilipino ang may takot sa Diyos, o yung sinasabing mga relihiyoso’t relihiyosa. Blessed Virgin MaryNaka-ilang bahay naba ang aking napuntahan at napasok na pagkakita mo sa gate palang masasabi mo nang “Ah kristiyano ang mayari ng bahay na to..” kasi ba naman gate palang may krus na, o di kaya’y larawan ni Virgin Mary di ba? At sa pagpasok mo naman sa loob ng bahay, samut-saring santo ang iyong makikita. Mula sa sala hangang sa mga kuwarto. At isa pang palatandaan na ang mayari ng bahay ay isang Kristiyano siyempre kapag may “The Last Supper” frames sa may hapag kainan. Kahit sa jeep ilan ba ang nakakasakay ko na kapag dumadaan ng simbahan ay napapaantanda, kung ilang simbahan ang aming madaanan gayun din kadami ang kanyang pagantanda, siyempre ito ay isang paraan na pagsasabing ako ay isang tunay na kristiyano-Pilipino.

Christ the Redeemer

Christ the Redeemer

Isang lugar dito sa Batangas ang dinarayo bilang pagsalubong sa “Pista ng Pagkabuhay o Easter Sunday”. Ito ang Marian Orchard located in Malabanan, Balete, Batangas. Kung isa kang Manilenyo hindi pamilyar sa iyo ang lugar na ito. Kung isa ka dun sa mga taong emo na madalas gusto mong mapagisa at makapagmuni-muni kapiling ang mga puno’t halaman, at ayaw mong makakita ng kahit na sinong kakilala. Aba, eh tamang tama para si iyo ang lugar na ito.

Ang Marian Orchard ay isang lugar kung saan makikita ang groto ng Mahal na Birhen. pati na rin ang malaking rebulto ni Hesus na kung tawagin ay “Christ the Redemeer”. Matatagpuan din ang rebultong ito sa ibang bansa tulad Brazil at Mexico. Mayroon din dito Via Crusis at kapilya. Sa taas ng Christ the Redeemer ay matatanaw mo ang Bulkang Taal sa gitna ng lawa. Marian-Orchard-GardenMayroon ding hardin ng mga rosas at iba pang bulaklak dito na lalong nabigay kulay at kariktan sa lugar. Masasabing ang Marian Orchard ay isa sa mga katangi-tanging lugar na sa Batangas lamang matatagpuan.

Iba’t-iba man ang ating mga pamamaraan ng pagdiriwang. Sa paraang pagninilay-nilay man o Pagsasaya. Sana wag nating kalimutan kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng Mahal na Araw. At kung bakit natin ito ipinagdiriwang.

About these ads